Duterte muling tiniyak ang dagdag-sahod ng mga public school teachers




Imahe mula sa Alliance of Concerned Teachers-Philippines Facebook page

Muling  tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag-suweldo ng mga guro kasunod ng mga pulis at militar.

Ngunit inamin din ni Duterte na nahihirapan siyang dagdagan ang suweldo ng mga guro dahil sa malaking bilang nila.

“Remember that there are millions of teachers. There are only a few policemen, something like 160. There are 130 in the military. It’s easier [to find funds for them]. That is why their salaries have been doubled,” ayon kay Duterte.

Imahe mula sa Front Page 101

Muling kinalampag ng mga guro sa pampublikong paaralan ang Pangulo sa kanyang pangako na dagdag-sweldo kasunod ng pagtaas ng sahod ng mga pulis at military.

Ayon sa ulat ng Inquirer, umapela ang pamahalaan sa mga guro na habaan ang kanilang pasensya dahil naghahanap pa sila ng pondo para sa kanilang dagdag na sahod.

Kailangan ng gobyerno ng P150 billion pondo upang maipatupad ang dagdag na P10,000 sa suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Wika pa ng Punong Ehekutibo, nagdesisyon silang dagdagan ang suweldo ng mga pulis at militar dahil sa kanilang buwis-buhay na paglilingkod sa bayan.

Imahe mula sa Alliance of Concerned Teachers-Philippines Facebook page

Ang entry-level ng uniformed officer – Police/Fire/Jail Officer 1, ang Private,  Apprentice Seaman, o ang Seaman Third Class – ay tumatanggap ng P29,668 mula sa base pay na P14,834.

Ang entry-level ng isang public-school teacher ay nasa Salary Grade 11 sa ilalim ng Tranche 4 ng Salary Standardization Law ay may buwanang sahod na P20,754.

Nauna na ring binanggit ni Education Secretary Leonor Briones na kailangan ng gobyerno ng P150 billion upang maibigay ang dagdag na P10,000 kada buwan.