Direk Joey Reyes, humingi ng dispensa hinggil sa kanyang Twitter post na “replacements”




Public Domain Image

Humingi ng dispensa ang award–winning at batikang direktor na si Jose Javier Reyes o mas kilala rin bilang Joey Reyes sa kanyang makahulugang Twitter post tungkol sa “replacements” na hindi naman niya binanggit kung TV show, concert, o kung ano ang magiging gampanin o papel ng mga pinangalanan niyang singers.

Binanggit niya ang mahuhusay na performers na sina Jed Madela, Gary Valenciano, at Morissette Amon bilang “replacements”. Dinugtungan pa niya ito ng “Credibility is more important than celebrity.”

Imahe mula sa Twitter account ni Jose Javier Reyes

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Maraming naghinuha na ang tinutukoy ng direktor ay ang isa sa mga singing reality show ng ABS–CBN na franchised mula sa ibang bansa.

“Suggestion: do not open an avenue for ******* of the existing judges chosen by the franchise.”

“What does someone who writes his own music, produces his own music (as well as other artists) and has his own record label need to do to be credible?”

“This is crab-mentality at its finest. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.”

“Suggestion: RESPETO SA MGA NAPILING JUDGES.”

Imahe mula sa Instagram accounts nina Jed Madela, Gary Valenciano, at Morissette Amon

Dahil sa makahulugang Twitter post na ito, umani ng batikos ang naturang direktor kaya agad siyang humingi ng dispensa sa mga taong nasaling at nasaktan sa kanyang mungkahi. Ipinaabot niya ang kanyang paghingi ng tawad sa pamamagitan din ng Twitter post noong Hunyo 4, 2019.

Hindi pa rin binanggit sa kanyang Twitter post kung anong tv show ang tinutukoy niya rito.

“A misstep to make the suggestions. We all want the show to work to give chance to new talents. My apologies for the insensitivity.”

Imahe mula sa Twitter account ni Jose Javier Reyes

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Then delete your first tweet…”

“You don’t have to apologize because being honest is what we need nowadays.”

“He apologized, ano pa bang gusto niyo??? He’s a director compare niyo naman sa pinaglalaban niyo.”

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin binabanggit ni Reyes kung anong tv show ang tinutukoy niya sa kanyang mga Twitter posts.