Cum laude graduate na anak ng magsasaka, pinasalamatan ang pamilya at iba pa

Imahe mula sa Facebook account ni Aljon De Pano

“High school graduate man at magsasaka ang magulang ko, nakapagpatapos naman kayo”

Ibinahagi ng isang “cum laude” graduate na nagngangalang Aljon De Pano, anak ng magsasaka, ang kanyang mga pinagdaanan sa pagsuong sa hamon ng buhay makatapos lamang ng pag–aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong BFA Major in Advertising Arts.

Sa napakahaba niyang Facebook post, idinetalye at ibinuod ni Aljon ang kanyang talambuhay simula noong siya ay bata pa lamang at nakaranas na paghihirap sa buhay. Inihalintulad pa niya ang kanyang buhay sa loterya.

“My journey is like betting for a lottery. I take the risk without fear, I take this path without nothing but faith and courage.”

Imahe mula sa Facebook account ni Aljon De Pano

Si Aljon ay anak ng magsasaka at nakaranas umano siyang magtinda ng mangga, puto, isda, palay, at gulay sa kanilang mga kapitbahay upang may maipambaon sa eskwela. May allowance siyang 7 piso at (elementarya) at 30-50 piso (hayskul) araw–araw.

Hirap ang kanilang pamumuhay. Naranasan nilang mag–ulam ng isang noodles o isang single order ng ulam sa karinderya na pinaghahati–hatian ng kanilang buong pamilya.

Elementarya pa lamang ay achiever na si Aljon. Mahusay rin siya sa pagguhit. Dahil dito, naisip niyang kumuha ng CFAD dahil sa nakilala niyang si Ate Dijie, na nagbigay sa kanya ng paint brushes at sketchbook.

Nakapasa sa UST entrance exam si Aljon. Bukod dito, nakakuha siya ng scholarship mula sa isang paaralan sa kanilang lalawigan at pasok din siya sa DOST scholarship. Mas pinili ni Aljon na mag–aral sa UST sa kabila ng tahimik na pagtutol ng kanyang mga magulang, dahil na rin sa malaking gastos para dito.

Naging napakahirap ng unang semestre para kay Aljon dahil sa kakapusan ng budget, at wala pa siyang naaaplayang scholarship. Inihanda na niya ang kanyang sarili upang lumipat sa ibang paaralan. Sa ikalawang semestre, natanggap na siya sa isang scholarship kaya lalo siyang nagsumikap sa pag–aaral.

Bukod sa scholarship, naging student assistant din si Aljon sa Office of Student Affairs ng paaralan na nakatulong sa kanyang pinansyal na pangangailangan, at makilala ang kanyang sarili. Napagtanto niyang hindi madaling pag–aralan ang Fine Arts, pero hinamon niya ang kanyang sarili upang matutuhan ito.

Aniya: “Hindi masamang tumaya para sa pangarap. Basta maging buo ang loob, manampalataya at maging matatagal kasama ang pamilya, kakayanin mong abutin ang iyong mga pangarap”.

Pinasalamatan ni Aljon ang Diyos, ang kanyang mga magulang, ang kanyang mga kaibigan, Becarios Family, kaguruan ng CFAD, at Office of Student Affairs. Inialay rin niya ang kanyang tagumpay sa kanyang kuyang “nasa langit na” at sa kanyang “The One”.

“Sa susunod na chapter ng buhay ko, I am now ready. Taking risk without fear and regrets, doing things whatever it takes.”

Imahe mula sa Facebook account ni Aljon De Pano

Sa dulo, nag–iwan siya ng mensahe para sa lahat ng mga naghahanap ng empleyado: “PLEASE

Congratulations, Aljon!