Biology major na Ilokano, ikalawang “Summa Cum Laude” ng UP Baguio




Imahe mula sa Facebook account ni Kenworth Bryle Bal-iyang
  • Nagkaroon ng “Summa Cum Laude” sa ikalawang pagkakataon ang University of the Philippines Baguio (UP Baguio) sa katauhan ni Kenworth Bryle Bal-iyang na isang Ilokano
  • Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Biology na may general weighted average na 1.141
  • Nanawagan siya sa kanyang mga kapwa “Iskolar ng Bayan” na huwag kalilimutang tumanaw ng utang na loob sa Inang Bayan

Isang lalaking Biology major mula sa Ilocos Sur ang ikalawang “Summa Cum Laude” ng University of the Philippines Baguio, o nagkamit ng pinakamataas na karangalan sa kolehiyo.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, ibinahagi ni “Kenworth Bryle Bal-iyang” na nagtapos sa kursong  Bachelor of Science in Biology, peer mentor ng Learning Resource Center, at kasapi ng Phi Sigma Biological Sciences Honor Society at The Honor Society of Phi Kappa Phi, ang kanyang mensahe para sa kanyang mga kapwa “Isko” at “Iska” ng bayan.

Ayon sa kanya, ang tunay na mga suliranin ay nasa labas ng kanilang pamantasan. Nasaksihan daw niya ito bilang isang mamamayan sa Gregorio del Pilar at Quirino, dalawang munisipalidad sa pagitan ng Ilocos at Cordilleran highlands. Nasaksihan daw niya ang iba’t ibang kwento ng paghihirap ng kanyang mga kababayan.

“I have seen and heard stories of my people’s struggles. Discrimination against ethnic minority groups, lack of access to quality education and healthcare, decreased agricultural productivity, environmental degradation, and land encroachment by opportunistic elites are some of the problems they have faced/ and continue to face. Beyond my homeland, more troubles are faced by the Filipino people.”

Dagdag pa niya: “The issues of extrajudicial killings, marginalization of the Lumads in the Bangsamoro context, contractual labor, brain drain, disinformation movements, imperialism, loss of our marine territories, endangerment of our fishermen’s lives, and overexploitation of our resources are rampant in our present-day society.”

Imahe mula sa Facebook account ni Kenworth Bryle Bal-iyang

Nanawagan siya sa kanyang mga kapwa “Iskolar ng Bayan” na huwag kalilimutang tumanaw ng utang na loob sa Inang Bayan, lalo na sa mga kapwa–Pilipino at hindi sa mga politiko. Magsilbing modelo at tagapagbuo raw sila ng isang lipunang matatag para sa ikauunlad ng bansa. Inihalintulad pa niya ito sa konsepto ng synergy sa Biology.

“In biology, we have the concept of synergy, where the collective action of processes results to a phenomenon greater than the sum of their individual effects. On our own, we may feel that we are powerless and our efforts are futile. However, when taken as a collective, we are strong and our efforts are tides making significant ripples in the still water. Indeed, hope remains for a new and better tomorrow.”

Paalala pa niya: “Sa aking mga kapwa magsisipagtapos, isang malaking hamon sa atin na makibahagi sa pagbuo ng isang lipunang kumakalinga sa masa at madla, sa mga kapos at naghihikahos, at sa mga walang boses at nakagapos. Bilang mga Iskolar ng Bayan, isang malaking tungkulin at karangalan na pagsilbihan ang sambayanang Pilipino. Lagi at lagi, para sa Bayan!”

High school pa lamang si Kenworth ay achiever na ito, lalo na sa Physical Sciences.

Imahe mula sa Facebook account ni Kenworth Bryle Bal-iyang

Si Bal-iyang ay nakakuha ng general weighted average na 1.141, ikalawa sa pinakamataas sa kasaysayan ng UP Baguio.

Ang unang summa cum laude ng UP Baguio ay si  Jahzeel Abihail Cruz, na nagtapos ng kursong BA Communication na nakapagtamo naman ng general weighted average 1.15 noong 2007.