Batang matiyaga, nagbubuhat ng isang sakong damo mula sa eskwela para may maipakain sa mga alagang baka




Imahe mula sa Facebook account ni Je–Ann Montejo
  • Ipinagmalaki ng isang guro ang kanyang matiyagang mag–aaral 
  • Kumukuha ito ng damo sa paaralan, iniuuwi at ipinakakain sa mga alagang baka
  • Isang inspirasyon sa mga kapwa mag–aaral at maging sa mga guro ang batang si Arkim

Sa paaralan, hindi lamang mga mag–aaral ang natututo sa kanilang mga guro. Kadalasan, mas natututo pa ang mga guro sa kanilang mga mag–aaral.

Ibinahagi ng isang bagong guro na nagngangalang “Je–Ann Montejo” mula sa Usmaad National High School sa Arago, Cebu ang kuwento ng kanyang mag–aaral na matiyagang kumukuha ng mga damo mula sa paaralan upang maiuwi sa kanilang bahay, at maipakain sa kanilang mga alagang baka.

Paalala niya sa mga mag–aaral na makababasa ng kanyang Facebook post: “If you are a student who continue to take for granted your opportunity to be in school despite the comfort and easy access you have, look at this student.”

At sa mga kapwa niya guro: “If you are a teacher who doesn’t know your purpose yet, check this student.”

Salaysay ng guro, napansin na nila ang naturang mag–aaral na nagngangalang “Arkim Camello”, Grade 7, na laging may bitbit na sakong punumpuno ng mga damo sa tuwing uwian. Galing daw ito sa bakuran ng kanilang paaralan, at hindi siya nahihiyang pasanin ito, may maipakain lamang sa kanilang mga baka na ginagamit nila sa pagsasaka.

Imahe mula sa Facebook account ni Je–Ann Montejo

Kusang–loob na ginagawa ito ng bata, at hindi raw inuutusan kailanman ng kanyang mga magulang. Bago bunutin ang mga damo, nagpapaalam daw muna siya sa kanyang gurong tagapayo na si Ma’am Rosemarie Diotay.

“He is someone whom the parents must be proud of. He is someone whom the students who took for granted their studies must look up to and introspect,” ayon sa guro.

Dagdag pa niya: “To this young boy, truly you inspired us. For a new teacher like me, you just unleashed the answers of my “whys” and you unconsciously introduced the ‘must'”.

Sinambit din ng guro ang isang quote mula kay C. S Lewis na “Hardships prepare ordinary people for an extraordinary destiny.” Tiyak daw niyang malayo ang mararating ni Arkim sa buhay dahil sa ugali nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Je–Ann Montejo

Umani rin ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens.

“With prayer, determination, hard work and guidance, you boy will surely have a bright, brighter and brightest future.”

“Go and catch a falling star. Nothing is impossible if and only you strive to reach your dreams in life.”

Good luck sa iyo, Arkim! Isa kang magandang ehemplo sa iba pang kabataan!