“Anything is possible!” Netizen, ibinahagi ang sikreto ng kanyang pagpayat




Imahe mula sa Facebook account ni Tobione Kinobi
  • Ibinahagi ng netizen na si Tobione Kinobi ang sikreto ng kanyang pagpayat na bunga ng kanyang pagpupursige at ibayong pagsasakripisyo
  • Mula sa 104 kilogram ay naging 68 kilogram na lamang ang kanyang timbang
  • Hinikayat niya ang lahat na huwag mawawalan ng pag–asa sa pagpapapayat dahil “anything is possible”

Ibinahagi ng isang lalaking netizen ang ginawang pagpupursige upang mabawasan ng timbang at maiwasan ang anumang banta ng kalusugan na maidudulot nito.

Sa kanyang Facebook post noong Hunyo 19, 2019, isinalaysay ng netizen na si “Tobione Kinobi”, isang Pilipino na naninirahan sa Singapore, ang kanyang mga pinagdaanan upang pumayat, sa tulong na rin ng ibayong pagdidisiplina.

Imahe mula sa Facebook account ni Tobione Kinobi

Kuwento niya, noong 2017 ay pinayuhan na siya ng kanyang doktor na maghinay-hinay na sa pagkain dahil nasa antas na siya ng “obesity”, at kung magpapatuloy pa ito, maaari siyang magkaroon ng diabetes at sakit sa pus0. May timbang siya na 104 kilograms.

“In 2017, the doctor told me that I’m obese as my weight is 104 kg, and I will be diagnosed for diabetic and heart condition if I will continue the habits… as the doctor talking, she said that you will ”lose everything”, I just snapped and went blank,” ayon sa kanyang post.

Nanumbalik sa kanyang gunita ang mga “bad habits” na kanyang ginawa kung bakit lumaki nang ganoon ang kanyang katawan. Nagkaroon siya ng reyalisasyon na kailangan niyang itigil ang mga nakasanayan na upang mas mapahaba pa ang kanyang buhay.

Hindi naging madali para kay Tobione ang kanyang desisyon, dahil tuluyang nagbago ang kanyang mga “daily routines”. May kung ilang beses niyang gustong tumigil kapag nahihirapan siyang mag–ehersisyo. Dumarating sa puntong nahihirapan siyang huminga kapag nagja–jogging, push ups at sit ups.

Nahirapan din siya sa pagda–diet lalo’t hinahanap–hanap ng kanyang katawan ang masasarap na pagkaing madalas niyang kinakain.

Subalit hindi pinanghinaan ng loob si Tobione. Naging positibo ang pagtanaw niya sa kanyang mga sakripisyo. Sabi nga niya, “It gave me hope, passion, happiness and value. It humbles me and teaches me what I don’t know”.

Nagbunga naman ang kanyang mga sakripisyo at pagsusumikap.

Imahe mula sa Facebook account ni Tobione Kinobi

Sa kasalukuyan, ang kanyang timbang ay 68 kilogram. Kaya na rin niyang tumakbo sa mga marathons, at kasalukuyang sumasailalim sa training para sa triathlon. “It’s hard but its worth it,” wika nga niya. Pinasalamatan niya ang kanyang asawa dahil sa ipinakita nitong suporta sa kanya.

Paalala ni Tobione sa lahat ng gustong magpapayat: “To those people losing hope, there is always a hope. Just don’t give up and keep moving forward. Anything is possible”.

 

Kung kaya ni Tobione, kaya rin natin!

Source :

Facebook