Ang galing! Mak Tumang, itinampok ang Waling Waling-inspired gown ni Catriona Gray

Imahe mula sa Facebook account ni Mak Tumang

Itinampok ng mahusay na Pinoy fashion designer na si Mak Tumang ang pinakabago niyang creation para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na isinuot nito sa kanyang “final walk” sa ginanap na “Binibining Pilipinas Coronation Night” sa Smart Araneta Coliseum.

Makikita sa Facebook post ni Tumang ang detalye ng kanyang likhang gown na hango mula sa bulaklak na “Waling-Waling”. Pinili niya ang naturang bulaklak dahil itinuturing itong “Queen of Philippine Flowers”.

“The Waling-waling is a paragon of unmitigated beauty. Many regard it as the rarest, most beautiful and the most expensive among all the flora our country has. This rightfully gives justice to its being dubbed as the ‘Queen of Philippine Flowers’.”

Imahe mula sa Facebook at Instagram accounts ni Mak Tumang

Nababagay umano para sa isang “reyna” na gaya ni Catriona ang deskripsyon ng naturang bulaklak.

“Moreover, even the native Bagobos revered it as a “diwata” (fairy) because of its unparalleled and captivating beauty. This representation fits perfectly to what our Miss Universe Catriona Gray is.”

Dagdag pa niya: “She is absolutely a queen of beauty and substance. This flower, like Catriona, continues to be on treetops and aspires for greater heights. The Queen of the Filipinos’ hearts bids farewell to her reign here. Yet, she will incessantly reach and touch the bright sun, making her justly symbolic of the Filipino’s unceasing hope and tenacity.”

Imahe mula sa Facebook account ni Mak Tumang

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens. Marami ang humanga sa kahusayan ni Tumang.

Nauna na rito, marami na ring humanga sa mga nilikhang gowns para kay Catriona noong kompetisyon ng Miss Universe 2018.

“Another unique, well thought, exquisite creation from a Filipino genius designer… keep designing and make Filipino proud… Kudos to you and Catriona for placing our country in the spotlight.”

“Bravo! Perfect combination! You two are so amazing! Congrats! And thank you for always making us proud!”

“Kapag nakadisplay lang, nakikita mo ‘okay, maganda, eye catchy’. Pero kapag suot na ni Catriona, maaamaze ka na kasi ‘wow ang ganda–ganda pala ng creation ni Mr. Mak Tumang!”

Imahe mula sa Facebook account ni Mak Tumang

Ginuhit naman ng isang netizen na nagngangalang “Rey Francia De Pano” ang disenyo ng Waling-Waling gown ni Catriona.

“Hi po Kuya Mak Tumang, ginawa ko po ito ng 3:35 am then tinuloy ko na lang po itong tapusin kaninang 1:30 pm. Inspired by you po, thank you!”

Imahe mula sa Facebook account ni Mak Tumang

Samantala, napaka–classy at elegante naman ni Catriona Gray sa kanyang final walk at final speech bago koronahan ang bagong Binibining Pilipinas 2019.

Imahe mula sa Facebook account ni Mak Tumang/Public Domain Image