Anak ni Aubrey Miles na itinago noon sa publiko, binata na ngayon




Mga imahe mula sa Instagram account ni John Maurie Obligacion

Nag-guest ang ‘mag-amang’ Troy Montero at John Maurie Obligacion sa Father’s Day edition ng isang segment ng Eat Bulaga noong Hunyo 15.

Aba, binatang-binata na si John Maurie na anak ng aktres at certified fitness trainer na si Aubrey Miles sa nakarelasyon nito noon na dating aktor na si JP Obligacion.

Kahit hindi magkadugo, kitang-kita ang closeness nina Troy at John Maurie. Ipinagmalaki rin ni Troy na kaga-graduate lamang ni Troy ng high school at masayang-masaya sa achievement ng itinuturing na niyang anak.

Gayunman, ang closeness ng dalawa ay hindi nangangahulugan na hindi okay ang relasyon ng binata sa tunay nitong ama.

Katunayan, makikita sa Instagram account ni John Maurie na kasama niya ang dalawa niyang tatay noong graduation day niya sa La Salle Green Hills. May picture pa sila na magkakasama.

Imahe mula sa Instagram account ni John Maurie Obligacion

Kahit naging isyu noon ang ginawang paglilihim ng aktres tungkol sa kaniyang pagdadalantao ay naging maganda pa rin ang kapalaran nila bilang isang pamilya.

23-anyos lamang noon si Aubrey nang ipinagbuntis niya ang panganay na si John Maurice. At dahil second chance niya iyon sa kaniyang showbiz career, minabuti niyang ilihim sa publiko ang kaniyang anak.

Ayon sa isang report sa Pep, inamin ni Aubrey na nahirapan siyang i-deny ang sariling anak sa loob halos ng pitong taon.

Ngunit kailangan umano niya iyong pagtiisan para sa kinabukasan nito. Ayaw rin niyang umasa sa iba para matustusan ang pangangailangan ng anak.

Imahe mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Samantala, two years old lamang noon si John Maurie nang dumating sa buhay nilang mag-ina si Troy. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay close na close sila umano.

Noong 2017, napanood ang unang TV guesting ni John Maurie kung saan ipinakilala na siya ni Aubrey sa publiko. Siyempre, kasama nilang nag-guest sa Magandang Buhay si Troy.

May dalawang kapatid na si John Maurice na bunga ng pagmamahalan nina Aubrey at Troy.

Source :

Pep, Tempo, Instagram