Alapag magiging assistant coach ng Sacramento Kings 2019 Summer League

Imahe mula sa Jimmy Alapag Twitter/Sacramento Kings Facebook account

Nakatakdang maging assistant coach ng Sacramento Kings 2019 Summer League ang San Miguel Alab Pilipinas head coach sa ASEAN Basketball League (ABL) at San Miguel Beermen assistant coach sa Philippine Basketball Association (PBA) na si Jimmy Alapag.

Ayon sa ulat ng ESPN 5, patuloy na nakikipag-ugnayan si Alapag sa kanyang kaibigan at NBA veteran na si Vlade Divac hinggil sa bagay na ito.

Imahe mula sa Jimmy Alapag Twitter account

“I stayed in touch with Vlade Divac who is the Chairman of the FIBA Players’ Commission, where I’ve been a member of for the past four years,” ayon kay Alapag.

“After our campaign ended in the ABL, I got to talk to him again. I told him I needed to learn more about coaching because I’ve only been a head coach for two years and he brought up the idea that I should come in and learn from the Sacramento Kings where he is also the general manager,” dagdag pa nito.

Wika ni Alapag, hindi siya nahirapang magdesisyon nang imbitahan siya ni Divac.

“I cherish the opportunity to continue my education in coaching,” ani Alapag.

“I’ve been blessed to have worked with a lot of great coaches in the PBA and with Gilas Pilipinas and I’m excited to learn more from the coaches in the NBA,” saad pa nito.

Nasa 30 koponan ang maglalaban-laban sa 15th NBA Summer League na gaganapin sa Hulyo 5-15 sa Thomas and Mack Center and Cox sa University of Las Vegas.

Ang bawat koponan ay maglalaro ng apat na preliminary games. Ang top eight ang siyang maglalaban-laban sa knockout tournament at ang itatanghal na kampeon ay sa Hulyo 15.

Ang mga top selections sa nalalapit na 2019 NBA Draft ay nakatakdang maglaro sa Hunyo 20 sa Barclays Center kung saan inaasahan silang magpapakitang-gilas sa Summer League.

Sina Kevin Durant, Steph Curry, James Harden, at Russel Westbrook ay ilan lamang sa mga NBA superstar na nakapaglaro sa Summer League. Sina Blake Griffin, Damian Lillard, at John Wall ay mga naging Summer League Most Valuable Players.

Imahe mula sa Jimmy Alapag Twitter account

Nakatakdang lumipad si Alapag sa Kings’ training camp sa Sacramento sa Hunyo 26 bago magtungo sa Las Vegas.

“Being near the Bay Area, there will be a lot of Filipino fans there so I’m also excited to see some of our kababayans there as well,” said Alapag.

“But more than that, I’m eager to learn and then get to share and pass on the knowledge I get from there to the players and coaches I work with back home,” wika pa nito.