“It’s not for me”: Aga Muhlach aminadong hindi mahilig mag-post sa social media

Imahe mula sa Facebook page ng Daikin Philippines

Maraming celebrities ang aktibo sa kani-kanilang social media accounts na kina-career ang pagkakaroon ng maraming followers. May ilang artista na ‘open book’ ang buhay sa kanilang social media na ultimo pagkain o pagtulog yata ay pino-post.

Sa kabila nito, may mga celebrity pa rin na bagama’t may social media account ay hindi ginawang ‘buhay’ o ‘kabuhayan’ ang Facebook page o YouTube account. Isa na rito ang Bagets (1984) matinee idol na si Aga Muhlach.

Sa dami ng kaniyang mga naging pelikula at television shows, hindi malabong magkaroon ng maraming fans at followers ang aktor.

Gayunman, aminado ang 49-year-old actor na hindi siya mahilig magpost ng kung ano-ano sa social media. Sa report ni Jojo Panaligan sa Manila Bulletin, ibinahagi ni Aga ang kaniyang dahilan.

Imahe mula sa Instagram account ni Aga Muhlach

“Hindi ako fan ng social media,” sabi niya. “There’s nothing wrong if other people use it extensively—if it works for them, it works for them. But it’s not for me.”

Inamin din ni Aga na isa siyang old school na artista. Mas gusto umano niyang manatiling ganoon ang kaniyang pribadong buhay.

“Sa lahat nga ng pinost ko sa Instagram, siguro apat lang doon, shows my private time. All else ay about work. Pati ba pagtulog ko or pagkain ko, ilalagay ko pa doon? No. But, again, that’s just me,” sabi pa ng aktor.

Ibinahagi pa ni Aga na ikinagugulat pa ng mga tao kapag narinig nang direkta mula sa kaniya kung sakaling may bago siyang proyekto.

Imahe mula sa Instagram account ni Aga Muhlach

“Iniisip kasi nila na dahil wala akong pino-post online, hindi ako busy or walang nangyayari sa buhay ko. Magkaiba ‘yung walang pino-post at walang ma-i-post,” paliwanag ng aktor.

Maging ang kaniyang kambal na anak ay hindi rin niya kinukunsinti sa paggamit ng mga gadgets.

Sa katunayan, nagkaroon lamang ng cellphone sina Andres at Atasha noong 16 taong gulang na ang mga ito at pinaalala sa dalawang anak na hindi roon iikot ang kanilang buhay.

Ano ang bago kay Aga? Siya ay opisyal nang bahagi ng Daikin family bilang unang brand ambassador ng top air conditioner worldwide.