“Yung tumatanda ka na pero single ka pa rin”: May choice ka nga ba?




Imahe mula sa Aling Pekta Hugot Page Single Facebook account

May mga pagkakataon na dumarating sa buhay ang dapuan ng kalungkutan. Lalo na sa mga single. Maaaring ito ‘yung mga oras na nakakakita ka ng mga magkasintahang masayang magkahawak-kamay at minsan ay hinahalikan pa ang isa’t isa.

Nakaiinggit ‘yon ah!

Malungkot ‘yan para sa isang single lalo na kung nagkakaedad at walang pinagkakaabalahan sa buhay. Pero hindi naman garantisado na kung ika’y may kapartner ay talagang masaya ka dahil may mga pagkakataon ding nasasaktan ka.

Imahe mula sa brothersofthebook

Kaugnay dito, nag-viral sa social media ang isang post na sumisimbolo sa pagiging single. Sa Facebook post ng Aling Pekta Hugot Page Single, naging mainit ang talakayan dito tungkol sa pagiging single ng isang tao.

Ito ay may caption na: “Yung tumatanda ka na pero single ka pa rin!”

Hati kasi ang pananaw ng mga netizens hinggil sa pagiging single. May mga nagsasabi na choice ang pagiging single. May nagsabi naman na ito’y pagtakas lamang sa responsibilidad.

Well, ayon sa artikulo ni Kali Rogers, ang pagiging single ay pinipili. Sa mga babae kung nais na nilang magpakasal ay walang makapipigil sa kanila.

Wika pa ni Rogers, ang pagpasok sa isang relasyon ay ating choice kaya naman ganoon din sa pagiging single.

Saad pa ni Rogers, may kapangyarihan ang isang indibidwal na manduhan ang isang relasyon, gayundin ang pagiging single. May kakayahan kasi ang tao na diktahan ang kanyang sarili.

Samantala, may mga benepisyo naman sa pagiging single, ayon kay Christian Doroin na isang relationship expert.

Ayon kay Doroin, kung single ka sarili mo lang ang aatupagin mo. Malaya ka ring gawin ang mga bagay dahil walang nagbabawal sa iyo.

Wika pa niya, maaari kang maka-meet ng iba’t ibang tao kasi nga single ka. Malaking tipid din kasi nga sarili mo lang ang iniintindi mo.

Imahe mula sa longwallpapers

Well, single ka man o hindi, ang mahalaga ay masaya ka at wala kang tinatapakang tao. Sa mga single na umaasang magkakaroon ng forever eh dasal lang kay papa God. Malay mo naman natrapik lang pala ‘yung taong nakalaan para sa iyo.