“Yayamanin!” Jeep na naka-tiles ang sahig, kinaaliwan

Mga larawan mula sa Facebook account ni Mico Gabriel

Nakakita o nakasakay ka na ba sa jeep na naka-tiles?

Humakot ng likes at komento sa social media ang Facebook post kaugnay sa isang jeepney na naka-tiles na talaga namang kinaaliwan at inulan ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Ayon sa nagbahagi: “Ong toroy may pa tiles si manong jeep.” [Ang taray]

Kung pakatititigan, ang tiles na nasa sahig ng naturang jeep ay kulay puti at sinasabing tinatawag daw itong “vinyl”.

Larawan mula sa Facebook account ni Mico Gabriel

Nagbigay naman ng iba’t ibang komento rito ang mga netizen. May mga natuwa dahil tila “yayamanin” daw ang may–ari ng naturang jeepney.

“Ang sosyal namang sumakay sa jeep na ito! Magkano naman kaya ang pamasahe? Same din ba sa sahig na steel? Sosyal!”

“Sana pati yung upuan, pa–sofa na rin para feel at home.”

“Feel at home. Hahaha. Baka may mag–iwan ng sapatos sa labas ng jeep.”

“Nakakakaba naman iyan pag tag-ulan, sana non-skid yung tiles, pero ang sosyal pa rin tingnan.”

“Cool tingnan. Parang nakakagood vibes kapag fito sumakay sa jeep na ito. Nakakahiyang marumi ang sapatos. Saan ba ito bumibyahe at masubukan?”

Larawan mula sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon

Sa kabilang banda, marami rin namang hindi pabor dito lalo na’t kung ang pag–uusapan ay ang kapakanan ng mga pasahero.

“Slippery, extra weight, what non–sense. I can’t understand why the jeepney doesn’t try to be as lightweight as possible. If it were lighter it would be faster, more horse power and save fuel.”

“Way to cause an accident kapag tag–ulan. Moving vehicle + wet floor + slippery tiles = neck breaker. Hindi ito ligtas sakyan.”

“Having tiles in the first place would be bad because of weight. More weight, more power to travel the same speed, therefore more gas consumed.”

“I don’t understand why they didn’t just go with diamond plated metal. Pretty much zero maintenance, as long as one makes sure it doesn’t rust from underneath.”

Sinasabing ang naturang jeepney ay matatagpuan sa Cavite.