Vice Ganda, 1st time sa gym: “Preparing for Darna”




Imahe mula sa Vice Ganda Instagram/The Hugot Lines Facebook account

Sa kabila ng pagiging abala ng Phenomenal Box Office star na si Vice Ganda ay nakuha pa niyang mag-work out. Kasalukuyan kasing abala ang komedyante sa sold-out concert tour.

Sa Instagram story kahapon ni Vice, ipinakita ng komedyante ang ilang clips mula sa kanyang “workout routine,” at may caption pang: “preparing for Darna.”

Sinabi naman ni Vice sa kanyang Twitter account na first time niya sa gym: “First time kong mag gym!!! Feeling ko ang payat payat ko na. I do not know lang ha!” aniya.

Sinasabing ang pagwo-work out ni Vice ay naimpluwensyahan ng kanyang rumored partner na si Ion Perez, o mas kilalang Kuya Escort sa It’s Showtime.

Kamakailan ay naging usap-usapan din sa mundo ng showbiz ang ilang larawang na magkasama sina Vice at Ion sa Los Angeles, California habang nasa concert tour na Vice Ganda: Ang Fantastic Concert ng Vaklang Twoooh!

Imhe mula sa PEP Twitter account

Marami namang mga netizens ang naaliw sa post na ito ni Vice:

“Mas bagay si Vice Ganda sa Darna kesa kay Nadine no one like her to be Darna . We like Maja, Pia, Angel at si Liza napakaganda nya mas bagay sa kanya ang Darna or Katrin . Not Nadine.”

“Hahaha Sana ituloy tuloy mo yan vice 😂 in aging u need to keep fit and healthy para katulad ni J.Lo ganda mo!”

“First time sa gym feel payat agad hehehe parang ako ah 30 minutes lang nag-exercise piling ko payat na ko agad”

“Haha syempre kilala naman nating komedyante ang ate Vice nyo…. alam naman nya na real girl talaga ang kailangan. Syempre pampa-good vibes lang yang eksena nya.”

Kamakailan ay binuksan sa publiko ang audition sa Darna na katatapos lamang nitong Mayo 4 at 5.