Throwback photo ni Angelina Jolie, kinaaliwan ng netizens




Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Wikipedia

Isa sa mga paboritong Hollywood artists ng mga Pilipino si Angelina Jolie na nakilala sa kanyang napakagandang “lips” bukod pa sa angking husay niya sa larangan ng action movies. Kaya naman, isa siya sa mga Hollywood celebrities na ginagaya ang hitsura.

Kinaaliwan ng mga netizens ang ibinahaging throwback photo ni Angelina Jolie na ipinost ng isang netizen na si Jay Domingo Ramos sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Ang throwback photo ay nagpapakita ng paghahambing sa hitsura ni Jolie noong siya ay 14 na taong gulang pa lamang, at ngayong siya ay 43 taong gulang na. Kapansin–pansing tila walang pinagbago sa kagandahan ng mahusay na aktres.

May caption itong: “ANGELINA JOLIE THEN & NOW. One of my Hollywood celebrity crushes. Those lips are just perfect hehehe…”

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Noon ang uso ay maninipis na lips, now ang uso ay tulad kay Angelina.”

“She hated her lips when she was younger, thought they were so thick. Never imagined that those lips will make her famous.”

“No filters on those lips; It’s all her’s.”

Sa isang panayam, inamin ni Jolie na nakaranas siya ng pambubuska mula sa kanyang mga kaklase dahil sa makapal niyang labi. Hindi naman niya akalain na isa ito sa magiging asset niya.

Marami namang nagbigay ng haka–haka na siya ay sumailalim sa proseso ng Rhinoplasty o “Nose Job”, Chin Implants, at Face Lift, bagama’t hindi naman niya ito kinumpirma.

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Ilan sa mga nakilalang pelikula ni Jolie ang “Tomb Raider”, “Mr. and Mrs. Smith”, “Wanted”,  “Salt”, “Maleficent”, at marami pang iba. Nagkakilala sila ni Brad Pitt sa Mr. and Mrs. Smith, nagkaroon ng relasyon, nagpakasal, at biniyayaan ng anim na anak, subalit ginulat nila ang lahat ng sila ay magdiborsyo noong 2016. Nitong Abril 12, 2019, tuluyan nang narestore ang single status nina Jolie at Pitt.

Noong 2005, siya ay itinanghal na “Most Beautiful Woman in People” sa isang magazine na nagtampok sa 50 Most Beautiful People in the World.