Technical Drafting teacher na yeso at pisara lamang ang gamit sa pagtuturo, hinangaan

Mga larawan mula sa Facebook account ni Feye McTabs

Sinasabing ang pagiging guro ang pinakadakilang propesyon sa buong mundo dahil sa walang doktor, inhinyero, abogado, at iba pang propesyon kung hindi dumaan sa kanilang mga palad. Ang mabisang pagtuturo ay magkasamang pagmamahal sa mga mag–aaral at mahusay na kakayahan, kasanayan, at talento.

Hinangaan ng mga netizen ang isang gurong nagngangalang Gng. Susana J. Albarracin, nagtuturo ng Technical Drafting sa Tagum National Trade School.

Batay sa post ng kanyang estudyanteng si “Feye McTabs” noong Mayo 16, 2019, makikita ang mga larawan ni Mam Susana na matiyagang gumuguhit gamit ang yeso o chalk sa pisara maituro lamang ang technical drafting sa kanyang klase. Hindi na niya kailangan pang gumamit ng ruler!

“Mrs. Susana J. Albarracin- The Legendary Technical Drafting Teacher of Tagum National Trade School. [photo taken circa 2015-2016 using cherry mobile and old android cps]”.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Feye McTabs

Nagbulalas naman ng paghanga ang mga netizen sa naturang guro.

“Saludo po kami sa inyo, Ma’am! Effort kung effort. Love ko mga ganyang teachers.”

“Wow! Magaling ako Drafting noong High School. Nag–Architecture ako, tapos nag–Fine Arts major in Commercial Arts, pero never akong nakakita ng ganitong teacher na nagtuturo ng drafting na ang galing sa structural at technical drawing!!!! Bilib ako sa’yo Ma’am!!!”

“OMG, chalk–chalk lang si Ma’am ah, heto yung gusto kong subject eh, fave ko ‘toooo. May ganyan rin kaming subject noong High School, sa TLE namin eh ganito.”

Mga larawan mula sa Facebook account ni Feye McTabs

Isa pang naging mag-aaral ni Ma’am Albarracin na nagngangalang “Antonio Amoguis” ang nagpatotoo na napakahusay magturo ng naturang guro sa Drafting, sa comment section ng naturang Facebook post.

“Teacher ko siya sa 2nd year High School way back 1997. Magaling talaga iyang si Mam Albarracin.”

Hinihiling ng mga netizen na maitampok si Ma’am Albarracin sa isang sikat at award-winning na news magazine show sa GMA Kapuso Network upang mas makilala pa ng marami at makapagbigay ng inspirasyon sa mga mag–aaral at kapwa guro.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Feye McTabs

Saludo kami sa inyo, Mam Albarracin!