Tatay na walang sariling puwesto, nag-iikot upang kumita sa pagguhit




Imahe mula sa Facebook (Maeriel Aquino)

Kamakailan lang, ipinost ni Maeriel Aquino sa kaniyang Facebook account ang larawan ng isang tatay na mangguguhit. Kaagad itong nag-viral dahil marami ang humanga at gustong tulungan si Tatay.

Ayon sa post ni Aquino, nasa isang kainan sila ng pamilya nang lapitan sila ni Tatay Art Cuvinar.

Hinaplos-haplos daw nito ang buhok ng kaniyang batang pinsan. Nagandahan ito sa suot ng bata. Itinanong ni Tatay kung kaarawan ba nito dahil espesyal ang suot na damit. Ipinaliwanag nina Aquino na paborito ng kaniyang pinsan ang Disney princesses kaya madalas ay ganoon ang suot nitong damit.

Imahe mula sa Facebook (Maeriel Aquino)

Noong una ay natakot daw umano sila sa paglapit ni Tatay at pagkausap nito sa kanila dahil hindi naman nila ito kilala. Kaya tinawag nila agad ang kanilang tiyuhin upang paalisin si Tatay o tanungin kung ano ang nais nito.

Napag-alaman nila na isa pala itong mangguguhit. Wala siyang sariling puwesto kaya nag-iikot-ikot na lamang ito upang makakuha ng mga kustomer at kumita ng pera.

Imahe mula sa Facebook (Maeriel Aquino)

Ayon kay Aquino, tuwing Sabado at Linggo ay makikita si Tatay sa Scrapyard Cafe and Restaurant sa Angono, Rizal. Dito nila nakita si Tatay. Mula Lunes hanggang Biyernes naman ay nag-iikot si Tatay sa SM Angono upang makahanap ng magpapaguhit sa kaniya.

Murang-mura lang ang sinisingil ni Tatay para sa kaniyang pagguhit. Nagkakahalaga lamang ng 150 pesos.

Imahe mula sa Facebook (Maeriel Aquino)

Ipinost ni Aquino ang larawan ni Tatay at ang iginuhit nito upang makahingi ng suporta sa ibang tao na maaaring makita si Tatay or nais hanapin ito upang magpaguhit.

Inilagay din niya ang numero ng cellphone ni Tatay upang mas madali itong makontak. Para sa mga gustong magpaguhit, maaari ninyo makontak si Tatay sa numerong 0949-9353177.

Salamat kay Aquino na maaaring maging tulay ni Tatay upang mas marami pang makuhang kliyente na magpapaguhit sa kaniya.

Source :

Facebook