Jose Manalo, Cherie Gil, at Heart Evangelista, judge ng seventh season ng ‘StarStruck’

Larawan mula sa Instagram account nina Cherie Gil, Heart Evangelista, at ng Eat Bulaga

Dinagsa ang ginawang auditions ng pagbabalik ng longest running at original reality-artista search ng GMA Network na ‘StarStruck’ nitong mga nakaraang buwan.

At ngayong tapos na ang auditions, oras na para gampanan ng mga judges ang kanilang trabaho sa pagpili ng next big stars ng Kapuso Network.

Inilabas ng official page ng ‘StarStruck’ ang isang teaser video kung saan ipinasilip ang magiging hosts at judges ng ikapitong season nito.

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Bago magpakilig sa Philippine version ng ‘Descendants of the Sun,’ bibida muna bilang hosts ng ‘StarStruck’ ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes at Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Sa teaser naman, makikita ang anino ng mga hurado na kinilala ng isang artikulo mula sa PEP.Ph na sina Heart Evangelista, Cherie Gil, at Jose Manalo.

Nang mag-renew ng kontrata sa GMA Network, kinumpirma ni Evangelista na ang isa sa magiging projects niya ay ang pagiging hurado ng ‘StarStruck.’

Balik naman sa pagiging hurado ang primera-kontrabida at singer na Cherie Gil matapos ang kanyang iconic role sa teleseryeng ‘Onanay.’

Naging judge na rin si Gil ng dalawang seasons ng defunct GMA reality show na ‘Protégé: The Battle for the Big Break.’

Iba-iba naman ang naging pananaw ng netizens at viewers tungkol sa ikatlong hurado dahil sa teaser, isang lalaking nakasuot ng hat at nakaupo sa isang malaking couch ang makakasama nina Evangelista at Gil.

Unang umugong ang balitang si Michael V. ang magiging hurado ngunit malabo ito sa ngayon dahil may dalawang shows pa si Bitoy sa GMA kasama ang isang pelikula.

Kalaunan, nakumpirma ring ang komedyante, singer, at direktor na si Manalo ang kukumpleto sa ‘StarStruck Councils’ at balitang kabado raw siya sa kanyang unang stint bilang hurado sa isang reality show.

Larawan mula sa Facebook page ng StarStruck

Gayunman, may kompiyansa naman ang fans ng ‘StarStruck’ na magiging mahusay na hurado si Manalo dahil sanay ito sa Eat Bulaga kung saan paminsan-minsan ay judge siya sa mga contest ng noontime show.

Bagong set ng judges ang makikita ngayong season seven dahil noong huling season, umupo bilang hurado sina Regine Velasquez, Dingdong Dantes, Joey de Leon, at Jennylyn Mercado habang si Ms. World 2013 Megan Young naman ang naging host.

Nakatakdang magbalik ang ‘StarStruck’ ngayong Hunyo sa GMA Primetime.

Source :

PEP, Facebook