‘Spiderman’ namataan sa Iloilo International Airport




Imahe mula sa John Elemer Grate Facebook account

Namataan ang isang  ‘Spiderman’ sa Iloilo International Airport nitong Mayo 17 ng umaga.

Sa Facebook post ni John Elemer Grate, ibinahagi nito ang larawan ng isang pasahero sa airport na nakasuot ng Spiderman costume.

Imahe mula sa John Elemer Grate Facebook account

Hindi naman tukoy kung sino ang may suot ng costume na ito.

Matatandaang naging usap-usapan sa mundo ng sports ang Game Five ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa pagitan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hot Shots kung saan pumasok ang isang ‘Spiderman’ sa bandang dulo ng laro at hindi sinasadyang nabangga si  June Mar Fajardo.

Pumasok si ‘Spiderman’ na  may dalang placard na “Vote! Love!” kung saan  3:08 (minuto) na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Tiniyak naman ng mga netizens na ang ‘Spiderman’ na nasa Iloilo International Airport ay hindi ang lalaking nanggul0 sa PBA Finals.

Ang lalaki ay kinilalang si Paolo Felizarta na kinasuhan na rin ng PBA. Layon niya na maghatid ng mensahe na magmahalan ang mga Pilipino.

Screenshot mula sa Facebook video

Nauna na ring nilinaw ng  isang Bikolanong Spiderman na hindi rin siya ang nanggulo sa naturang PBA Finals. Siya ay kilala sa paggawa ng mga good deeds sa kanyang nasasakupan.

“Gusto ko lang linawin na kung ano man ang nangyari sa PBA kagabi, walang-wala po akong kinalaman doon. Hindi po ako iyon,” anang kilalang good samaritan sa kanyang Facebook post.

“Hindi ako sya, hindi sya ako. Hindi ako yung Spiderman na nasa PBA, unang una…hindi ako fan ng basketball. Hindi sya ako, dahil yung aking mga larawan na naggigift giving ay napapagkamalan na sya (na hindi naman dapat). Magka-iba kami,” saad pa ng Bikolanong Superman.

Saad pa nito, na siya’y nasa Naga at nanonood ng concert kasama ang kanyang mga kaibigan nang maganap ang insidente.

“Nakakahiya sa mga bata na nasa larawan na kumakalat. Nakakahiya kasi hindi totoo. Hinding hindi sya magiging ako sapagkat magka iba ang aming adbokasiya. Naiintindihan ko sya at nirerespeto,” ayon pa sa Bikolanong Spiderman.

Eh sino kaya itong nasa Iloilo at bakit siya nag-Spiderman?