“Snapchat photos” nina Pangulong Duterte, VP Leni, at iba pa, kinaaliwan

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Sa modernisasyon ng teknolohiya sa kasalukuya, halos wala na ngang imposible sa mundong ito.

Nagsulputan ang iba’t ibang mga applications o apps upang magawa ang mga bagay na nagdudulot ng kaginhawahan at katuwaan sa mga taong gumagamit nito. Nagsulputan din ang iba’t ibang mga editing at face enhancement apps.

Dahil sa naging patok na “senatoriable kids” na ginawa ng netizen na si Nonoy Arendain noong Mayo 14, 2019 na nagpapakita ng mga baby face na larawan ng mga senatorial candidates sa nakalipas na halalan, muling gumawa ng mga larawan ang netizen “due to insistent public demand”.

Ngayon naman, sina Pangulong Rodrigo Duterte, VP Leni Robredo, at iba pang mga opisyal at sikat na personalidad sa pamahalaan ang ginawan niya ng Snapchat photos.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Ginawan din niya ng Snapchat photos ang mga dating pangulo at ikalawang pangulo ng Pilipinas na sina Gloria Macapagal–Arroyo, Joseph “Erap” Estrada, Benigno “Noynoy” Aquino III, at Jejomar Binay.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Nariyan din ang mga dati at kasalukuyang senador na sina Miriam Defensor–Santiago, Manny Pacquiao, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes III, De Lima, Dick Gordon, Ping Lacson, Franklin Drilon, Miguel Zubiri, Win Gatchalian, Tito Sotto, Ralph Recto, Gringo Honasan, Bongbong Marcos, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, at Joel Villanueva.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Nariyan din ang dati at kasalukuyang presidential spokesperson na sina Harry Roque at Sal Panelo gayundin ang dating PCOO Secretary na si Mocha Uson. Umeksena rin ang dating mga kalihim ng iba’t ibang kagawaran gaya nina Lourdes Sereno, Vit Aguirre, at Martin Andanar. Ginawan din ng larawan si Mayor Sarah Duterte.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Pati ang ilang mga sikat na mediamen at showbiz personalities na sina Sass Sasot, Maria Ressa, Jover Laurio, Ellen Tordesillas, Jim Paredes, at Erwin Tulfo.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Umani naman ito ng nakaaaliw na reaksyon mula sa mga netizen.

“Paano po gamitin ang Snapchat? Ang cute–cute nila! Ang sarap pisilin sa pisngi ng mga ito, kahit minsan may mga nakakainis sa kanila hahaha.”

I–click ang larawan sa ibaba upang makita ang lahat ng mga larawan:

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain