Slater Young, Kryz Uy sa kanilang bagong mansion: “Forever home”




Imahe mula sa llgarchitects/Slater Young Instagram account

Nakalipat na ang mag-asawang Slater Young at Kryz Uy sa kanilang mansion na tinawag nilang “skypod.”

Imahe mula sa llgarchitectsInstagram account

Sa Instagram post ng Pinoy Big Brother winner, sinabi nitong hindi pa 100 percent complete ang mansion ngunit masaya nilang  tinawag ito na “forever home.”

Ang kanilang initial target na matapos ang konstruksyon ay sa loob ng pitong buwan, ngunit dahil ito’y “architecturally challenging,” inaasahang matatapos sa ito sa loob ng siyam na buwan.

“Welcome to the #Skypod. Our forever home.

“Getting my much deserved rest. This project has been one of the most stressful things I have ever done. Not only because we were trying to do something different and architecturally challenging, but also because we planned on finishing it as fast as possible. (We planned on completing it in 7 months, but we moved in in 9 months. Still not 100% complete but happy to call this place home.”

Imahe mula sa Slater Young Instagram account

Sinabi naman ng misis ni Slater na si  Kryz Uy na halos isang linggo silang nag-ayos at naglinis sa kanilang  “skypod.”

Pinasalamatan din ni Kryz ang mga kamag-anak na tumulong sa pagsasaayos at pag-aasikaso ng kanilang mansion.

”Special thanks to both our families for helping us in all the ways they can (buying us house plants, giving us pre-marinated meals, washing our clothes, helping us figure out the dish washer etc!) We feel the love.”

Imahe mula sa Kryz Uy Instagram account

Samantala, may malaking impact sa kanilang “shopping expenses” ang kanilang  “#skypod expenses.”

Ayon kay Kryz, “After listing down our #skypod expenses, I’m currently contemplating my life choices lol. Bye bye shopping for now. it was nice knowing you!”

Imahe mula sa Kryz Uy Instagram account

Idinaos ang kanilang house blessing noong May 13 ng taong kasalukuyan.