Sino ang pinakacute? “Senatoriable Kids” kinaaliwan sa social media

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Awat muna sa usaping politika!

Sa kabila ng mainitang diskusyunan sa resulta ng halalan sa pagkasenador, nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang mga lumabas na “Snapchat photos” ng mga senatorial candidates na tinawag na “Senatoriable Kids”.

Ibinahagi ito ng netizen na si “Nonoy Arendain” sa isang Facebook post noong Mayo 14, 2019, pagkatapos ng halalan.

Sa pamamagitan ng naturang app, tila nabigyan ng sulyap sa nakaraan ang mga netizens sa hitsura ng mga kandidato kung sila ay baby o bata pa.

Nariyan ang “baby face” ng unang anim na senador na nangunguna sa unofficial and partial results ng halalan na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Edgardo “Sonny” Angara.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Ang huling anim na kandidato ay sina Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Ramon “Bong” Revilla, Koko Pimentel, at Nancy Binay.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Hindi rin nawala rito sina JV Ejercito, Bam Aquino, Jinggoy Estrada, Larry Gadon, Mar Roxas, Neri Colmenares, at Dr. Willie Ong.

Nariyan din sina Freddie Aguilar, Gary Alejano, Raffy Alunan, Melchor Chavez, Chel Diokno, Glenn Chong, Leody De Guzman, Juan Ponce Enrile, Florin Hilbay, Zajid Mangundadatu, Jiggy Manicad, Sergio Osmena III, Samira Gutoc, Dan Roleda, at Erin Tanada.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang mga netizens.

“Ang cute nina Bato at Nancy Binay! Ang sarap kurutin ng pisngi hahaha. Kakatuwa naman.”

“Si Larry Gadon yung parang very smart at makulit sa classroom, iniisip ko pa lang boses niya kung paano sa cartoons.”

“Si Hilbay, bata pa lang mukhang matalino at my dignidad na, bar topnotcher pa naman. Laban lang sir.”

“Idol ko si Cynthia Villar… kaya siya ang nangunguna sa partial and unofficial list eh. Huwag mo lang pong isusulong ang pagkawala ng unli rice ah.”

Labing–dalawang senador lamang ang kinakailangan para sa mga bakanteng puwesto sa senado na talaga namang inaabangan na ng mga tao.

I–click ang larawan sa ibaba upang makita ang iba pang mga larawan:

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nonoy Arendain