Senate President Tito Sotto ginawaran ng honoris causa ng PUP




Imahe mula sa PhilStar

Isang natatanging pagkilala ang iginawad kay Senate President Vicente Sotto III.

Ayon sa ulat ng PhilStar, si Sotto ay nakatanggap ng Doctorate Degree in Public Administration (honoris causa) sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Nagtapos din ang kanyang media officer na si Michael Caber ng Masters Degree in Communication sa parehong unibersidad.

Imahe mula sa PhilStar

Alinsunod sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 19, Series of 2014, ang honorary degree (honoris causa sa Latin) ay iginagawad sa isang indibidwal kahit hindi alumnus ng institusyon na nag-alok ng pagkilala.

Ang honoris causa ay igingawad sa isang indibidwal na may natatanging kontribusyon sa kanyang larangan.

“The honorary doctorate degree shall be awarded in recognition of an individual’s meritorious contributions to the advancement of a field in a particular discipline, through exemplary accomplishments in instruction, research, and practice, and his personal humanitarian accomplishments and contribution to the institution and society, rather than as a result of academic matriculation and study,”  ayon sa memorandum.

Nitong Marso ay ginawaran din si Senador Panfilo “Ping” Lacson ng parehong pagkilala sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila  (PLM).

Imahe mula sa Senatro Ping Lacson Facebook account

Taong 2018 naman nang gawaran si Senador Loren Legarda ng honorary degree of Doctor of Laws, Honoris Causa ng University of the Philippines (UP).

Ang Doctor of Laws honorary degree ay iginagawad sa public servants at abogado na may natatanging ambag sa international understanding, pamumuno, at rule of law.

Matatandaang naging kontrobersyal ang paggawad ng honorary degree o honoris causa sa aktor na si Daniel Matsunaga dahil hindi rehistrado ang unibersidad na naggawad nito.

Isang taon naman makaraang maluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ay inalok siya ng UP ng prestihiyosong pagkilala ngunit tinanggihan ito ni Duterte.

Bago nito, tinanggihan na rin nina dating Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada ang paggawad sa kanila ng honoris causa.