Samgyeopsal goals: Parking boy na masayang natupad ang minimithing food trip, hinangaan




Imahe mula sa Facebook (Yumgyeopsal-Baliwag Branch)

Kahanga-hanga ang isang batang parking boy na inipon ang kaniyang kita upang makakain sa Yumgyeopsal-Baliwag branch.

Ipinost ng kainan ang larawan ng bata habang ito ay kumakain ng samgyeopsal.

“Lagi siyang nanghihingi sa amin ng ice and iced tea,” panimula ng kanilang Facebook post.

“And then one day, he asked my waiter how much daw ba per head. We have kid’s rate (4 feet above is regular price), but he’s above 4 feet. We told him na Php 175.00 na lang ‘pag kumain siya.”

Imahe mula sa Facebook (Yumgyeopsal-Baliwag Branch)

Nagulat at natuwa ang mga staff ng nasabing kainan nang bumalik ang bata na may dalang sapat na pambayad upang makakain ng samgyeopsal.

“At bumalik nga ang bebe boy at may dalang barya na total of Php 175.00.”

Kahit maaari naman nilang pakainin nang libre ang batang parking boy, tinanggap nila ang bayad nito upang matutuhan nito na dapat siyang magsikap sa buhay para sa kaniyang mga pangarap.

Bilang premyo, binigyan nila ito ng libreng cheese at ice cream.

Imahe mula sa Facebook (Yumgyeopsal-Baliwag Branch)

“Of course, we accepted his payment, free cheese and ice cream, not because mukha kaming pera, but to teach him that if he wants something, he has to work for it.”

“I also learned that there’s nothing wrong in treating yourself when it comes to food once in a while. Don’t feel guilty. Imagine this kid treated himself nga eh, tayo pa kaya!”

Nakatutuwang malaman na ang tulad niyang batang hirap sa buhay ay marunong pa ring mag-enjoy at i-treat ang sarili matapos itong pag-ipunan. Sa halip na manghingi o gumawa ng masamang bagay, alam niyang dapat siyang magtrabaho at kumita upang makamit ang kaniyang gusto, tulad ng pinapangarap niyang pagkain.

Imahe mula sa Facebook (Yumgyeopsal-Baliwag Branch)

Maraming netizens ang natuwa sa bata at sa ginawa ng kainan.

“I have a strong feeling this young man is not your ordinary street boy. He is determined to enjoy the food without begging and it surely made him feel entitled as a paying customer. Thanks for sharing. It elicited a lot of positive reactions and it warms our hearts that something like this do really happen nowadays . Thank you to the management for your compassion and may we have more of your kind in the food industry. God bless us all.”

“Imagine a country with people like these—teaching the youth of good things, helping them to realize that we have to work hard to get something we like/want, to be generous, no discrimination at all—it’ll be a nice country.”

Source :

Facebook