Proud and grateful: Cum laude graduate, ibinagi kung paano siya nakapagtapos sa tulong kaniyang crew BF

Imahe mula kay Blessy Parreño | Facebook

Marami ang nangangarap na makapag-aral ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maisakatuparan ito.

May mga taong nagsusumikap na itaguyod ang kanilang mga sarili upang makapagtapos sa kursong napili. Mayroon din namang pinalad na magkaroon ng mga taong handang sumuporta sa kanila hanggang sa huli.

“Huwag sayangin ang paghihirap ng inyong mahal sa buhay,” sabi ng isang cum laude graduate na nakapagtapos sa tulong ng isang taong hindi niya kadugo ngunit nagpamalas ng labis ang suporta sa kaniyang pag-aaral.

Sa post ni Blessy Parreño sa Facebook, kaniyang ikinuwento ang naging karanasan sa pagkamit ng tagumpay sa kabila ng kaliwa’t kanang panghuhusga na natanggap niya at ng kaniyang boyfriend na si RM De Guzman.

Imahe mula kay Blessy Parreño | Facebook

“#2019. Isang Mang Inasal boy, natulungang makapagtapos ang taong mahal niya,” sabi niya sa post.

Pinag-aral at sinuportahan si Blessy ng kaniyang boyfriend na isang crew sa isang fast food chain sa loob ng apat na taon niya sa kolehiyo.

Ayon sa kaniya, hindi naging madali ang lahat. Nakarinig siya ng masasakit na salita mula sa ibang tao. Idinetalye rin niya ang mga mapanghusgang imikin ng iba tulad na lang umano ng pag-iwan niya sa boyfriend kapag naka-graduate na siya.

Hindi naman naging dahilan ito para sumuko si Blessy. Ipinahayag niya ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa boyfriend.

“Isang taos pusong pasasalamat, Sayo RM De Martin kung wala ka, wala rin akong mararating,” sabi ni Blessy.

Imahe mula kay Blessy Parreño | Facebook

High school graduate lamang ang tinapos ng kaniyang boyfriend ngunit proud si Blessy dahil marangal itong nagtrabaho upang matulungan siya sa kaniyang pag-aaral. Ipinahayag rin ng dalaga ang plano niyang tumbasan ang sakripisyo ng boyfriend.

“Nandito ako. Umasa kang hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap,” ayon sa kaniya.

Para kay Blessy, isang malaking biyaya ang makapag-aral.

Paalala niya sa mga batang pinapaaral, huwag sayangin ang paghihirap ng mga taong handa silang tulungan. Lahat ay mapagtatagumpay basta may pagsisikap, pagtitiis, at pagititiyaga.

Dagdag pa niya, nararapat lamang na ipagmalaki at pasalamatan ang taong naging dahilan ng kaniyang tagumpay.

Source :

Facebook