Panawagan kay Mayor Isko: Sana luminis ulit ang Quiapo




Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Kasabay ng pagkakapanalo ni Mayor Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila, bitbit niya ang pangakong lilinisin at “paliliguan” ang kabisera ng Pilipinas, na matagal na panahon daw naging “dugyot”.

Kaya naman pinanghawakan ito ng mga Manilenyo, bitbit din ang pag–asa ng pagbabago sa naturang lungsod.

Kaugnay dito, isang netizen na nagngangalang “Sinichi Altamirano” ang nagbigay ng kanyang panawagan kay Mayor Isko: “Sana, luminis ulit ang Quiapo.”

Ayon sa kanyang Facebook post sa “Memories of Old Manila” na nagpapakita ng dating Quiapo, sana raw ay mawala na ang mga nagtitinda sa harapan ng makasaysayang simbahan ng Quiapo, at bagkus ay bigyan sila ng isang permanenteng lugar kung saan sila maaaring magtinda ng kanilang mga kalakal. Hindi lamang Quiapo, kundi ang buong Maynila.

“Sana luminis ulit yung tapat ng Quiapo Church. Mawala na yung mga nagtitinda sa harap, bigyan sila ng isang lugar kung saan pwedeng magtinda. Sana sa bagong Mayor ng Maynila, linisin yung tapat ng Quiapo at yung buong Manila. Taga-Manila din ako.”

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Sumang–ayon naman dito ang mga netizens. May ilang nagsabi na nasa bagong pamumuno ang magdadala ng pagbabago sa Maynila, at may mga nagsabi namang nasa mga mamamayan ito.

“Simple yet great idea. I trust Mayor Isko. Support him, hindi puro criticisms.”

“Sa opinion ko, mahirap na alisin ang mga vendor, diyan sila kumikita sa pang–araw–araw nila. Baguhin na lang ang sistema sa mga vendors, may iaayos pa iyan sila, nasa pamumuno lang iyan na dapat bigyan ng pansin.”

“I was born and raised in Manila which is one of the most beautiful cities in the world, but sad to say it’s only a memory. Now, I hope the new administration of Manila could bring back it’s glamour… good luck!”

“Wag umasa sa gobyerno! Tumulong sa paglinis ng Maynila!”

“I think kahit sinong nakaupo sa gobyerno, kung ‘yung mga citizen mismo ang walang disiplina, nganga talaga ang Pilipinas.”

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Si Isko Moreno ang dating Vice Mayor ni Joseph “Erap” Estrada.