Pacquiao vs Thurman sa Hulyo 2019

Imahe mula sa Ring TV.Com/CBS Sports

Tunay ngang kalabaw lang ang tumatanda! Totoo ang pahayag na ito para kay Senador Manny Pacquiao.

Muling makikipagbakbakan sa ring ang dating world champion na si Pacquiao laban kay Keith Thurman sa WBA welterweight division sa Hulyo, ayon sa promoter nito.

Sa ulat ng BBC, sinabing ito ang ika-71 na laban sa boxing career ng 41-anyos na tinaguriang Pambansang Kamao.

Idedepensa naman ni Thurman ang kanyang WBA super welterweight laban kay eight-division world champion na si Pacquiao.

“The summer just got a little hotter”, ayon sa Twitter post ni Pacquiao.

Imahe mula sa Manny Pacquiao Twitter account

Kinumpirma naman ng promoter ni Pacquiao  ang laban at inilarawan itong “the biggest night of boxing this year”. Nakatakda pa lamang ianunsyo ang venue ng laban.

“Boxing’s only eight-division world champion, Senator Manny ‘Pac Man’ Pacquiao, will take on undefeated WBA Welterweight World Champion Keith ‘One Time’ Thurman on Saturday, July 20 in a blockbuster showdown,” ayon sa pahayag.

Si Pacquiao ay nagwagi sa kanyang huling laban kay Adrien Broner sa MGM Grand sa Las Vegas  at napanatili ang kanyang WBA welterweight title via unanimous decision noong Enero.

Bago ang laban ni Pacquiao noong Enero, sinabi nitong: “Age is just a number. What matters is how you prepare and that you’re working hard.”

Imahe mula sa Citizen TV Kenya Facebook account

Samantala, na-improve ni Thurman ang kanyang record sa 29-0 matapos bumalik sa boxing makaraan ang dalawang taong paghinto at mapanatili ang kanyang titulo via  12-round majority decision laban kay Josesito Lopez.

“Maybe Brooklyn, maybe Vegas, wherever Manny Pacquiao wants it,” ani Thurman noong Enero. “I’d even fight him in the Philippines if I have to.”

Source :

Twitter, BBC, CNN