Netizens napa-WOW sa malinis na Blumentritt market




Imahe mula sa Abigail Perez Forbes Facebook account

Kadalasang eksena sa palengke ang gabundok na basura at nakasusulasok na amoy nito; idagdag pa ang trapik dito.

Pero taliwas sa inaasahan, ikinagulat ng mga netizens ang malinis na Blumentritt market at labis din nila itong ikinatuwa.

Karaniwan na kasi sa mga taong nagagawi ng Blumentritt, lalo na sa bandang palengke, ang mga tambak na basurang nakikita mula sa mga nagtitinda doon. Siyempre, kakabit na nito ang mga masangsang na amoy.

Tila nanibago ang mga tao sa malinis na anyo ng palengke na dinarayo rin ng marami dahil sa murang mga paninda na matatagpuan dito.

Sa Facebook post ni Abigail Perez Forbes, ibinahagi nito ang malinis na anyo ng palengke. Ito ay may caption na: “AMAZING BLUMENTRITT! Sana po everyday! #mmda #salamatpo.”

Imahe mula sa Abigail Perez Forbes Facebook account

Ayon sa ilang komento, ang malinis na palengke ay unang patikim pa lamang sa pagbabagong gagawin ni incoming Manila Mayor Francisco Domagoso na mas kilala bilang Isko Moreno.

Maraming netizens ang humanga sa malinis na palengke dahil bibihira itong mangyari.

“Wow! Amazing God bless you always  Mayor Isko Moreno.”

“May kalsada pala dyan.. Hahaha! Lumaki at nagka-isip na ko na naglalakad pauwi kasi hirap dumaan ang trapik sa lugar na yan. Lolz.. Good job!”

“Sana lang po hindi lang sa umpisa yan Mayor Isko. Para sulit nman po ang pagboto namin sa inyo. Sana magtuloy-tuloy ang kagandahan at kalinisan ng Maynila..God bless po Mayor.”

“Sana mapanatili nila ang kalinisan, dyan mag-start ang pag-unlad.”

“Wow naman sana everyday ganyan na tanawin sa Blumentritt.”

“Sana nga tuloy-tuloy na iyan mam simula nang high school hanggang college ko napakadumi at mabaho ang lugar na iyan hehehehe tapos sobrang traffic!”

“Kailangan araw-araw bumisita si Mayor Isko para laging malinis hahaha! Go Manila!”

Kamakailan ay nag-viral ang “Maramag Public Market” sa Bukidnon dahil tinagurian itong pinakamalinis na palengke sa buong Pilipinas.

Natuklasan ito ng isang foreign traveler  na may “pusong Pinoy” na si Kyle “Kulas” Jennermann matapos niya itong itampok sa kanyang Facebook account.

Makikita sa mga larawan na tila ka pumasok sa isang mall dahil walang kakalat–kalat o kahit na anumang bahid ng basura o dumi sa sahig ng palengke, kahit na marami sa mga itinitinda rito ay mga lamang–dagat tulad ng isda, at iba’t ibang mga karne tulad ng baboy, manok, at baka.

Maaari pa nga raw humiga at matulog dito.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Kyle Jennermann