Nakaaaliw na Facebook posts ng 7-Eleven patok sa mga netizens




Imahe mula sa 7-Eleven-Daet Facebook account/Public domain

Gusto mo bang maaliw? P’wes follow mo na ang 7-Eleven-Daet Facebook account.

Patok sa mga netizens ngayon ang mga Facebook post ng kilalang convenience store na 7-Eleven; mga post na nakaka-relate ang maraming netizens sa kanilang mga nagiging karanasan kapag pumapasok sa naturang tindahan.

Ang  7-Eleven ay bukas ng 24-oras kaya naman sa bawat minuto ay maraming kuwento ng katatawanan ang nasasaksihan ng admin ng Facebook page sa kanyang pagmamasid.

Ilan sa mga post nito ‘yung nahulog na hotdog ng isang customer sa 7-Eleven:

“Nalulungkot ako para dun sa lalake kanina, nagbili sya ng bigbite tapos aksidenteng nadulas yung hotdog e ‘di nahulog sa sahig, papalitan niya sana kaso nakatingin ‘yung guard kaya hindi na niya pinalitan, binayaran naman niya kaya lang paglabas tinapon din, ‘di na kinain.”

Imahe mula sa 7-Eleven-Daet Facebook account

May mga pagkakataong ginagawang katatawanan ng 7-Eleven ang kanilang mga paninda: “Bibili-bili kayo ng busog meals tapos magrereklamo kayo pagbukas, mag big bite nalang kayo. sakit nyo sa bangs.”

Imahe mula sa 7-Eleven-Daet Facebook account

May hugot din: “”SLURPEE” Parang yung relasyon nyo, sa una lang masarap pero habang tumatagal patabang na ng patabang, sa una lang sweet pero habang tumatagal nawawalan na ng spark.”

Imahe mula sa 7-Eleven-Daet Facebook account

Maraming masasapul dito?

“Sa totoo lang, nakakaawa itong shop namin kasi kung hindi patuyuan ng mga taong pawis na pawis, pagpagan naman ng mga taong galing sa bur0l.” hahaha

Wala ring kapa-kapatid, pati ang Facebook page ng ibang branch ay binira naman.

Imahe mula sa 7-Eleven-Daet Facebook account

Tignan ang iba pang post sa 7-Eleven-Daet Facebook account.

Samantala, maaari ka nang makapag-operate ng sarili mong prangkisa ng 7-Eleven sa halagang  P1-milyon mula sa usual package investor nito na P3.5 milyon.  Handang hawakan ng Philippine Seven Corporation ang majority cost sa mga nagnanais na magkaroon ng prangkisa.

Nasa 2000 ang store mark ng 7-Eleven sa buong Pilipinas at ang franchise account ay nasa 57%  ng umiiral na 1,760 at ang iba’y corporate-owned na.