Naaalala mo pa ba si “Popeye The Sailorman”?

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Isa sa mga hindi malilimutang fictional cartoon characters nitong mga nakaraang dekada si “Popeye the Sailorman”.

Naaalala mo pa ba siya? Sa mga “Gen–Z”, kilala mo ba siya?

Kinaaliwan sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang mga larawan ni “Popeye the Sailorman” na ibinahagi ng netizen na si Elaine Hernandez.

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang mga netizens. Panawagan nila, maibalik ito sa TV upang mapanood ng kabataan ngayon.

“Sana ibalik nila sa TV ang Popeye show, para mapanood ng mga bata ngayon.”

“Classic. One of my favorites, alongside with Mighty Mouse, Betty Boop and Felix The Cat.”

“Black and white ang TV namin noon and I would watch this in the afternoon with my Dad. Sana maibalik ito sa TV para mapanood ng mga anak ko…”

Si Popeye the Sailor ay likhang–isip ni Elzie Crisler Segar na unang lumitaw at nakilala sa comic strip na “Thimble Theatre” noong Enero 17, 1929. Dahil pumatok ito sa mga manonood, napanood din ito sa mga theatrical acts at television animated cartoons.

Sa pagdaan ng mga taon, lalong sumikat si Popeye sa mga comic books, television cartoons, arcade at video games, at sa daan–daang patalastas.

Ang kanyang katambal ay ang payat na si “Olive Oyl” at ang kanyang karibal kay Olive ay si “Bluto” (O kilala rin bilang Brutus). Upang malabanan ni Popeye si Bluto, kailangan niyang kumain ng “spinach” bilang pampalakas. Dahil din kay Popeye kaya’t naging laganap ang pagkain ng spinach noon.

Larawan mula sa Google Image Public Domain

Noong 1980, naging pelikula ito na pinagbidahan ni Robin Williams bilang Popeye. Ang gumanap naman na Olive Oyl ay si Shelley Duvall at si Paul Smith naman ang Bluto.

Ito ay nasa direksyon ni Robert Altman, sa produksyon ng Paramount Pictures at Walt Disney Productions.

Ang set ng pelikula sa Malta ay ginawang tourist attraction na tinawag na “Popeye Village”.

Sa pagpasok nang taong 2010, nagkaroon ng plano na muli itong isapelikula sa ilalim naman ng Sony Pictures Animation subalit hindi ito naisakatuparan hanggang sa pagtatapos ng 2016.

Samantala, tara munang mag-throwback sa videong ito na ibinahagi ng Popeye and Friends Official via YouTube: