Medyas na kulambo, patok sa mga netizens




Mga larawan mula sa Facebook page na I'm Fine

Isa sa mga “lumang bagay” na maaaring bihira na lamang gamitin ngayon ang kulambo o mosquito net.

Ang kulambo ay ginagamit bilang proteksyon sa mga lamok at iba pang insekto na maaaring kumagat sa iyo habang ikaw ay mahimbing na natutulog. Mahirap na, baka ikaw ay magkapantal, magkapeklat, o mas malala’y magkasakit.

Kaya naman, kinaaliwan sa Facebook page na “I’m Fine” ang larawan ng “medyas na kulambo” na maaaring gamitin kung hindi mo trip ang malaking kulambo. Itinitinda umano ito sa halagang 95 piso bawat pares.

Mga larawan mula sa Facebook page na I’m Fine

Nagkomento naman dito ang mga netizen.

“6 of my family members are using this kind of kulambo. Very relaxing for feet.”

“Gusto ko talaga niyan, kahit saan ako magpunta, dala ko ang kulambo ko, hindi ako makatulog kapag wala iyan.”

“I love it so much! Hindi talaga ako makatulog kapag wala ‘yan sa feet ko, kaya kahit dito sa abroad, dala–dala ko ‘yan. Hindi ako nahihiya kahit sa boss ko.”

“Nakakarelax ho talaga kapag may nylon kulambo sa paa. Marami rin pala ang may ganitong hilig. Hindi naman siguro ito isyu tungkol sa “medical” kung nahihilig ka sa kulambo sa paa.”

Ang kulambo ay isang parihabang nilambat na tabing at inilaladlad sa ibabaw ng higaan kung gabi. Ang karaniwang kulambo ay nilalagyan ng matibay na tali o pisi sa apat na sulok nito, humanap ng pako o mapagtatalian nito sa loob ng bahay, at huwag kalimutang ipailalim sa banig o mga unan ang laylayan nito.

Kung afford naman, may mga makabagong kulambo na  “pang–sosyal” at mistulang tent na ipinapatong lamang sa kama o higaaan.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Noon, ang mga sinaunang kulambo ay likha mula sa hinabing sinamay, isang uri ng matigas ngunit matibay na tela mula sa abaka.

Ngayon, yari na sa plastik ang mga kulambo. Sa karaniwang bahay noon na walang partisyon, hindi tinitiklop ang kulambo sa araw. Sa halip, inilililis ito at nananatiling nakasabit.

Bukod sa proteksyon laban sa mga insekto, may dulot din itong “kapayapaan ng loob”. Magkakamag-anak lamang ang maaaring magsukob sa malaking kulambo. Ang pagsukob sa kulambo ay simbolo ng matalik na ugnayan at pagmamahalan.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Sa mag–asawa, kapag sinabing matulog ka “outside the kulambo”, nangangahulugang may tampo ang misis kay mister.

Mag naka-relate ba?