Mabilisang Nachos, kinatakaman ng mga netizens

Imahe mula sa Pinoy Food Boy Facebook account

Sa panahon ngayon dapat mabilis kang mag-isip; lalo na sa paghahain ng pagkain sa iyong pamilya.

Hindi lang pampamilya syempre. Kung may inuman session at mga ‘di inaasahang bisita sa ‘yong bahay dapat alam mo ang iyong ihahanda.

Kinatatakaman ngayon sa social media ang isang mabilisang nachos. Ang nachos ay kadalasang inihahain sa miryende at s’yempre bilang pulutan. Effort kapag naghahanda ka ng nachos dahil ang mga sangkap nito’y sa supermarket mo pa mabibili.

Pero good news sa mga mahilig sa nachos. May madali na kasing paraan upang makapaghanda ka ng nachos pero hindi masakit sa bulsa.

Sa Facebook post ng Pinoy Food Boy, ibinahagi nito ang simpleng ingredients sa paghahanda ng nachos at napakadali palang gawin.

Ano nga ba ang mga dapat ihanda?

Maghanda lang kayo ng pork giniling na ginisa sa bawang at sibuyas. Maaari n’yong lagyan ng taco seasoning kung meron kayong nabili, at kung wala naman, asin at paminta na lang, shredded cabbage, kamatis, sibuyas na puti, siling pansigang, cheez whiz, mayonnaise at syempre, ‘yung corn chips.

Imahe mula sa Pinoy Food Boy Facebook account

Maaaaring tignan lamang ang larawan bilang gabay.

Habang naghahanda ka ng nachos, magpabili ka na ng malamig na inumin. Ihanda na rin ang videoke o gitarang pang-jamming para masaya ang food trip.

Imahe mula sa Pinoy Food Boy Facebook account

Aprub naman ang mabilisang nachos na ito sa mga netizens kaya naman marami sa kanila ang natatakam at nais nang makagawa nito:

“’Ito ung tinag mo sa kin ‘di ba? Hehe gawin natin to lagi pag naka-lipat na tayo ng bahay.”

“Hahahah! Gawan nyo ko. Tinatamad ako mag hiwa at magluto nung giniling.”

“Masarap ‘to sa ice cold beer!”

“Tapos na liquor ban, ihain na rin ito!”

“Ganito na lang dalihin natin para tipid!”

Source :

Facebook