Mga lumang larawan at ID ni Pacquiao naghatid ng inspirasyon

Imahe mula sa Sarah Joy Gabriel Rivera‎ Instagram account

Batid ng marami ang hirap na pinagdaanan ni Senador Manny Pacquiao bago pa man nito narating kung ano ang kanyang kinatatayuan ngayon.

Sa bawat tagumpay na kanyang tinatamasa ay maraming kuwento ng buhay ng Senador ang kakabit nito.

Isa sa mga patunay na hirap na pinagdaan ni Pacquiao ang ID nito na nag-viral sa social media noong siya’y namamasukan pa lamang bilang isang construction worker.

Ang larawan ay ibinahagi ni ‎Sarah Joy Gabriel Rivera‎  sa Facebook account ng Memories of Old Manila. Ito ay may caption na:

“ID ni Sen. Manny Pacquiao n’ong nagtatrabaho pa siya sa construction. From rags to riches talaga.”

Imahe mula sa Sarah Joy Gabriel Rivera‎ Instagram account

Makikita sa ID ang ilang mahahalagang detalye tungkol kay Pacquiao. Ilan dito ang kanyang address, deskripsyon ng trabaho at petsa kung kailan nagamit ang ID.

Bukod dito, mayroon ding nagpatotoo na si Pacquiao ay: “Dati rin siyang naging padyak driver doon sa amin sa Malabon at saka panadero.”

Ibinahagi rin nito ang isang larawan ng Senador noong binata pa ito.

Kung ating mapapansin halos lahat na yat ay naabot na ni Pacquiao. Pagiging mahusay na boksingero, negosyante, bible ambassador,  politiko, pilantropo at siyempre, ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya.

Imahe mula sa Manny Pacquiao Instagram account

Walang hindi nakakikilala sa Pambansang Kamao.

Kaya naman maraming netizens ang nagkaroon ng inspirasyon mula sa ID na ito at nagpatotoo sa pagiging mabuting tao ng Senador:

“God knows what’s in his heart kaya biniyayaan siya ng sandamakmak na blessings, siksik liglig at umaapaw ang biyaya ni God.”

“Opo indeed!! Malapit sa Hearth of Mary Villa at simbahan ng Maysilo. Maraming kwento kay Pacquiao sa Malabon masipag talaga ‘yan work and training kaya malakas pangangatawan nya.”

“Talagang dyan galing si Pacman at ‘di naman niya ikinahihiya pinanggalingan niya. ‘Yan ang swerte sa buhay kasi mabait yang tao na yan.”

May isang mahalagang aral namang napulot ang isang netizen:

“Buhay nga naman ng tao, hindi mo alam ang mararating ng taong nakakasalamuha mo. Kaya ‘wag na ‘wag kang manghahamak ng kapwa. Malay mo, pagdating ng araw mas malaking tao pa ‘yan sa ‘yo. O kung  hindi man sa kabilang buhay mas mauna pa siya sa langit keysa sa ‘yo.”