Lalaking nag-viral dahil sa kaniyang Mathematics dance challenge, isa palang engineer




Imahe mula kay Maezon Abella at Allan Enverga | Facebook

Marami sa mga netizens ang napabilib at napatawa ng isang lalaking may kakaibang dance steps na may kinalaman sa subject na Mathematics.

Sa video na in-upload ni Allan Enverga sa Facebook, makikita ang lalaki na game na sinayaw ang mga simbolong ginagamit sa mathematical operations na addition, subtraction, multiplication at division.

Iclick ang imahe upang mapanood ang Facebook video ni Allan Enverga

Tinawag ang kaniyang video na Mathematics dance challenge na agad namang nag-viral dahil sa kaniyang mga nakakatuwang dance moves.

Bukod rito, napag-alaman na ang lalaking nagpasikat ng challenge ay isa palang inhinyero. Siya si Engr. Maezon Abella na nagmula sa Tayabas, Quezon.

Marami ang humanga sa kaniyang galing sa pagbuo ng steps at sa confidence na kaniyang ipinakita.

Imahe mula kay Maezon Abella | Facebook

Sa kaniyang video, makikita na nasa gitna siya ng inuman nang biglang tumugtog ang “Budots.”

Agad namang nagpakita ng agaw-eksenang sayaw si Engr. Abella habang binibigkas niya ng mga katagang “plus,” “minus,” “times,” at “divide.” Hindi pa ito nagpaawat at sinundan ang mga simbolo ng sayaw para sa “equal” sign.

Maririnig rin ang tawanan ng kaniyang mga kasama dahil sa kakulitan ni Engr. Abella kasabay ng kaniyang nakakaaliw na facial expressions habang nagsasayaw.

Hindi lang sa video na ito nagtapos ang kulitan ng magkakaibigan.

May isa na namang video na ibinahagi si Allan at mas mahabang version ito ng naunang Mathematics dance challenge.

Imahe mula kay Allan Enverga | Facebook

Sa ikalawang kuha, sinamahan na si Engr. Abella ng kaniyang mga kaibigan sa pagsasayaw. Sabay-sabay silang humataw at nagbigay-aliw sa mga netizens.

Mas makikita rin dito ang galing at lambot ng katawan ni Engr. Abella. Tumititig pa ito sa camera habang sumusunod ang katawan sa musika.

Hindi maitatago ang saya na naidulot ng viral dance video na ito sa mga netizens.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Ayon sa iba, mas madaling matatandaan ng mga bata ang four basic mathematical operations dahil sa kaniyang sayaw.

Umani naman ang latest video nilang Mathematics dance challenge cover ng higit 72,000 reactions at 88,000 shares sa loob lamang ng isang araw matapos itong ma-upload sa Facebook.