Kathryn Bernardo, may kakaibang hilig sa pananamit




Imahe mula sa Instagram (@bjpascual)

Si Kathryn Bernardo ang pinakabagong Metro.Style cover girl. Trending ang kaniyang ’90s-themed photoshoot para sa “Body Issue” ng fashion magazine.

Bukod sa mga larawan ng Kapamilya actress, inilabas din ng Metro.Style ang behind-the-scene clips at exclusive interview nila sa aktres.

Ayon sa kaniya, umoo siya agad sa proyekto dahil isa ito sa kaniyang bucket list. Nagustuhan rin niya ang theme nito na vintage.

“Gusto ko siya kasi feeling ko close siya sa personality ko.”

Bilang paghahanda, ayon sa aktres, ay nagbawas siya ng pagkain at nag-workout ng dalawang linggo bago ang naganap na photoshoot.

Imahe mula sa Facebook (Metro Magazine)

Nang tanungin tungkol sa kasalukuyang istilo ng kaniyang pananamit, sinabi niya na naaappreciate din niya ang ’80s at ’90s fashion tulad ng suot niya sa Metro.Style magazine covers.

“I think I’m very laid-back. I really appreciate the fashion especially in the ’80s and ’90s, so ini-incorporate ko siya with my fashion now.”

“Minomodernize ko nang konti, but I like their style before. Very classic, very relaxed, and more of neutral tones.”

Idolo rin daw niya pagdating sa fashion sina Olivia Palermo at Kim Jones dahil sa kanilang uniqueness sa pananamit.

Ibinahagi rin ng dalaga na sa kasalukuyan ay hilig din niya ang magsuot ng mga panlalaking damit tulad ng oversized blazers at men’s pants.

Imahe mula sa Instagram (@bjpascual)

“I like wearing men’s clothes.”

Ayon sa kaniya, bago siya pumunta sa women’s section ay nagpupunta muna siya sa men’s section.

“Before looking at the women’s section, I like going sa men’s section especially their oversized blazers.”

“And then ‘yung pants nila, I’ll get the smallest one kasi feeling ko mas ‘yun ‘yung gusto kong fit.”

Bukod kay Bernardo, featured din sa latest Metro.Style “Body Issue” ang beauty queens na sina Kylie Verzosa at Megan Young, mother-daughther tandem nina Zsa Zsa Padilla at Karylle, at magkapatid na Yassi at Issa Pressman.

Kasama rin ang mag-asawang Angie at Joey Mead King, magkapatid na Gab at Kiana Valenciano, onscreen partners na sina Arci Munoz at JC Santos, at Angel Aquino at Tony Labrusca.

Hindi magpapahuli sina Phil Younghusband at fiancee Margaret Hall, master photographer BJ Pascual at ang kaniyang muse na si Janine Gutierrez. Mababasa rin ang fitness journey nina Iza Calzado at Nadine Tengco.

Source :

YouTube, Metro