Jodi Sta Maria, number one priority ang pagiging ina sa kabila ng maraming commitments




Imahe mula sa Instagram (@jodistamaria)

Kasalukuyang busy ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa kaniyang bagong teleserye na “Sino Ang May Sala? Mea Culpa.”

Bukod dito, siya rin ay isang vlogger, businesswoman, estudyante, at isang ina.

Paano nga ba niya nababalanse ang kaniyang oras sa kabila ng maraming commitments?

Ayon sa kaniya, “I set time, make time, and fight for my time for these things that I do.”

“Of course, ang number one pa rin diyan ang pagiging mommy ko kay Thirdy, kasi ‘yun naman talaga ang top priority,” paliwanag ng aktres.

Imahe mula sa Instagram (@jodistamaria)

Labing-apat na taong gulang na ngayon si Thirdy. Anak niya ito sa dating asawa na si Pampi Lacson.

Sa ngayon, single ang aktres matapos nilang maghiwalay ng huling boyfriend na si Jolo Revilla.

Ibinahagi rin niya na malaki ang naitutulong ng kaniyang kursong Psychology sa kaniyang trabaho bilang artista.

“Now that you have a better understanding of human psyche, kapag gagawa ka ng isang role, magagawan mo siya ng back story na justifiable doon sa behavior and actions, and doon sa personality and being ng character na pino-portray mo today,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Instagram (@jodistamaria)

Bukod sa pagiging isang magaling na aktres, mahusay din siyang estudyante. Noong January 2019 ay ibinalita niya sa kaniyang YouTube vlog na Top 2 siya sa Dean’s List ng kursong Psychology sa Southville International School and Colleges.

Sa kaniyang interview sa “Magandang Buhay,” ibinahagi rin ni Sta. Maria ang pangarap niyang makapagtayo ng klinika para sa mga taong nakararanas ng depression at anxiety.

“Prayer ko na makapag put-up ako ng small clinic para makatulong sa mga taong nagsa-suffer from depression, anxiety para magamit ko ‘yung mga natutuhan ko sa school para makatulong sa mga tao.”

Imahe mula sa Instagram (@jodistamaria)

Nang tanungin kung personal niya bang naransanan ang depression o anxiety, “I think halos lahat naman eh. Life is not perfect. At one point, darating ka sa sabihin nating ‘breaking point’ mo. And then that’s when you realize na parang these types of courses and professions are helpful.”

Aminado ang aktres na hindi madali pagsabay-sabayin ang lahat ng kaniyang commitments.

“Hindi madali kasi may mga moments na umiiyak ako dahil sa sobrang daming kailangang gawin. Sumasabay sa trabaho, sumasabay sa pagiging nanay ko. Pero ipu-push talaga.”

So far, she’s doing well. Keep it up, Jodi!

Source :

Push, YouTube