“It’s a yes for you!” Luke Baylon, binigyan ng ‘second chance’ ni rapper Quest




Larawan mula sa Twitter account ni Quest

Hindi man pinalad na makatanggap ng tatlong “yes” mula sa mga hurado ng “Search for the Idol Philippines” na ipinalabas noong Sabado ng gabi, Mayo 11, 2019 sa ABS–CBN Kapamilya Network, “yes na yes” naman sa kanya ang local rapper na si “Quest” matapos siyang bigyan ng ikalawang pagkakataon na maipamalas ang kanyang galing sa genre na “reggae” para sa isang music collaboration.

Sa Twitter post ni Quest noong Biyernes, Mayo 17, 2019, ibinahagi niya ang dalawang larawan kasama si Luke. May caption itong “Exciting times are up ahead. Ready na kami guys.”

Larawan mula sa Twitter account ni Quest

Si Quest ay halos isang dekada na mahigit sa industriya ng OPM at nakilala sa mga rap songs na  “Walang Hanggan” at “Sige Lang.”

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga Twitter users.

“Big appreciation for sir Quest for giving this man an opportunity which he didn’t get from Idol PH…”

“This is what happen when a supposedly singing show didn’t give the singer a chance. Looks > singing talent.”

“Luke, maybe you’re not really for Idol PH because God prepared a bigger stage for you! God bless!”

“Thank you for rejecting this awesome musician. There are greater opportunities ahead of him. Way greater than being into some stupid contest. Also, keep on saying yes to good looking contestants instead of the talented ones.”

Inawit ni Luke ang “If Ain’t Got You” ni Alicia Keys bilang audition entry sa Idol PH. Sa apat na hurado, tanging si Asia’s Songbird Regine Velasquez–Alcasid lamang ang nagbigay ng matamis na “yes” para kay Luke. Sina Moira Dela Torre, James Reid, at Vice Ganda naman ay “no”.

Larawan mula sa Twitter

Dahil sa pangyayaring ito, marami sa mga netizens ang nagpuyos ang damdamin sa tatlong hurado dahil tila tumitingin lamang daw sila sa panlabas na anyo ng mga hopeful contestants at hindi sa tunay na talento nito. Dumating pa sa puntong kinuwestyon nila ang kredibilidad ng tatlo na maging hurado sa naturang singing contest; bagay na ipinagtanggol naman ni James Reid.