“I can feel it!” Si Alice Dixson noon at ngayon

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Instagram account ni Alice Dixson

Kung totoo man ang “Fountain of Youth”, maaaring isa sa mga nakasumpong at nakapaglunoy rito ang napakagandang aktres na si “Alice Dixson”.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Hinangaan sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang throwback photo ni Alice mula 1986 hanggang ngayong 2019, na ibinahagi ng netizen na si Jay Domingo Ramos. May caption itong “ALICE DIXSON THEN AND NOW”.

Kitang–kita sa larawan na walang pinagbago sa kagandahan ni Alice mula 1986 hanggang 2019 sa kabila ng pagiging ina nito. Ang throwback photo ay nagpapakita ng kanyang paglahok sa “Miss International” noong 1986.

Larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Walang kupas! I can feel it! Para siyang alak, habang tumatagal, lalong sumasarap. Hahaha.”

“Parang ‘di kumukupas ang ganda. Magaling pang umarte. Go Alice Dixson! Beautiful forever!”

“Nothing has changed.. still the alluring and captivating beauty!”

“She found the true fountain of youth for sure! She has aged gracefully, great genes really do matter. She’s even more beautiful now!”

Si Alice Dixson o Jessie Alice Celones Dixson ay isinilang noong Hulyo 28, 1969. Ang kanyang ama ay isang Amerikano habang Pilipina naman ang kanyang ina. Naging kandidata siya sa Miss International noong 1986. Lalo siyang sumikat dahil sa pagkanta niya ng “I can feel it” sa isang soap TV commercial.

Nagkaroon siya ng acting break sa “magical–themed sitcom” na “Okay Ka, Fairy Ko” bilang Faye, katambal ni Vic Sotto na gumanap naman bilang si Enteng Kabisote.

Umingay ang pangalan ni Alice lalo na sa pagkakasangkot niya sa kontrobersyal na “taong ahas” na anak umano ng may–ari ng isang sikat na mall. Hanggang ngayon, wala pang kompirmasyon kung totoo ito o hindi.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Alice Dixson

Ilan sa mga markadong pelikula niya ay ang “Nagbabagang Luha” at “Sa Akin Pa Rin Ang Bukas” noong 1987, “Dyesebel” noong 1990, at “The Jessica Alfaro Story” noong 1995.

Noong 2002, napabilang siya sa teledramang “Ang Iibigin ay Ikaw” sa GMA Network. Matagal na nawala sa showbiz limelight si Alice. Noong 2011, balik–pag–arte siya sa teleseryeng “Babaeng Hampaslupa” sa TV5 Network. Nasundan pa ito ng “Glamorosa”, “Isang Dakot na Luha”, at “Enchanted Garden” noong 2012.

Noong 2018, lumipat siya sa ABS–CBN at napabilang sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Ngayon at Kailanman”.