High school graduate maaari nang mag-apply bilang flight attendant

Imahe mula sa Ciello Polintan/ Flight Attendant PhilippinesFacebook account

High school graduate? No problem!

Maaari nang mag-apply bilang flight attendant o cabin crew ang mga bagong graduate pa lamang ng high school.

Sa Facebook post ng Become a Flight Attendant Philippines, ay inilabas nito ang listahan ng mga requirements kung paano magiging bahagi ng malalaking airlines company sa bansa sa taong 2019.

Trabaho ng isang flight attendant ay tiyaking ligtas at maayos ang biyahe ng kanilang mga pasahero. Sila rin ang namamahala kapag nagkakaroon ng sakuna at tinitiyak nila ang pagsunod sa Federal Aviation Administration.

Maliban sa height requirements at madalas na pagkakaroon ng good looks ay tumatanggap na rin ang mga kompanya ng eroplano ng mga high school graduates.

Ilan sa mga dati nang requirements sa pagiging flight attendant ang mga sumusunod: nakakompleto ng dalawang taong kurso; binata o dalaga; hindi bababa sa 27-anyos; mahusay sa pasulat at pasalitang komunikasyon sa wikang Ingles; may taas na 5’3’’ at tugma ito sa kanyang timbang; may groomed-professional image; maayos na ngipin at makatawag-pansing ngiti; at mature, may positibong pag-uugali, may kakayahang umangkop at may kaaya-ayang pag-uugali.

Bagama’t may sariling kurso ang pagiging flight attendant ay maaaring mag-apply ang mga nakapagtapos ng ibang kurso. Daraan din ang mga aplikante sa tamang proseso ng aplikasyon.


Imahe mula sa Ciello Polintan Facebook account

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang nagsisimula pa lamang na flight stewardess ay sumahod ng nasa P18,000 – P26,000 at maaaring tumaas pa ng P36,000- P54,000 depende sa training at karanasan.

Bentahe rin nila ang makarating sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa buong mundo.

Sa mga interesadong aplikante maaaring i-click ang Facebook account ng Become a Flight Attendant Philippines.


Imahe mula sa Become a Flight Attendant PhilippinesFacebook account