Heart Evangelista, personal na pinintahan ang sling bag ni Alex Gonzaga




Mga larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Personal na pinintahan ng sikat na aktres at misis ng dating senador  Chiz Escudero na si Heart Evangelista ang denim sling bag ng vlogger-aktres na si Alex Gonzaga.

Itinampok ni Alex si Heart sa kanyang YouTube vlog na “Sosyal Bonding” kung saan ipinakita ni Heart ang kanyang mga damit, closet, at iba pang personal na gamit. Ipinakita rin ni Heart ang bagong opisina ng kanyang asawa, na bagong gobernador ng Sorsogon, sapagkat hindi na ito tumakbong muli sa Senado.

Sa Twitter post ni Alex noong Martes, Mayo 21, 2019, excited niyang sinabi na ngayon lamang siya makapagpapinta ng bag kay Heart, kaya sinamantala na niya.

Larawan mula sa Twitter account ni Alex Gonzaga

Ang ilan sa mga sikat na celebrities na nagpapinta ng bag kay Heart na isang fashion enthusiast ay sina Kim Chiu, Carla Abellana, at misis ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao na si Jinkee Pacquaio.

Samantala, nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizen sa nakaaaliw na vlog ni Alex para kay Heart.

“Watched it and you guys collaborated great together. I was laughing and smiling the whole time.”

“Tawang–tawa ako dito, kaka–good vibes! More vlogs featuring Heart, please! Nakakasosyal.”

“I love when Alex do this. Even the most sosyalera type like Heart will make her guards down. So real! Hopefully next is the house raid.”

“Two of my favorite vloggers!!! When fashion meets passion hahaha so cute the collab… I always watch house raid, but this is my favorite because of Heart.”

“I love Heart so much. So elegant and classy. I am an avid subscriber of yours, Heart! Regards sa mga rescued cats and dogs mo.”

“Wow! This collaboration is very unexpected, hence the views in less than 24 hours. Thanks Alex and Heart (my two super fave YouTubers) for making me laugh for more than 9 minutes. You too are amazing, more of these please.”

Image capture mula sa vlog ni Alex Gonzaga via YouTube channel

Panoorin ang vlog ni Alex na “Sosyal Bonding” via YouTube channel: