Jeremy Rener aka ‘Hawkeye’, gustong bumalik sa Boracay at Palawan

Larawan mula sa Philippine Information Agency at YouTube video ni Wil Dasovich

Pinagkakaguluhan ngayon sa buong mundo ang pelikulang ‘Avengers: Endgame’ dahil sa angking ganda nito, ngunit isa sa mga cast members nito ang patuloy namang nabibighani sa ganda ng ating bansa.

Sa panayam ng Filipino-American vlogger na si Wil Dasovich sa cast ng Avengers na si Jeremy Rener na gumaganap bilang Hawkeye, sinabi nitong gusto niyang bumalik sa Pilipinas at muling dumalaw sa top tourist destinations na Boracay at Palawan.

Screenshot mula sa YouTube video ni Wil Dasovich

Bago matapos ang interview ni Dasovich kay Rener, sinabi nitong bukas ang Pilipinas kung nais nilang magkaroon ng bakasyon.

Nang alukin ni Dasovich si Rener kasama si Brie Larson na gumaganap naman bilang Captain Marvel kung gusto nilang magbakasyon sa Pilipinas, hindi pa man tapos bitiwan ni Dasovich ang tanong ay agad nang sumagot si Rener ng ‘Palawan.’

“Palawan. Love it,” maikli ngunit makabuluhang pahayag ni Rener na nakarating na sa Pilipinas nang gawin nila sa bansa ang pelikulang ‘The Bourne Legacy’ noong 2012.

Sa maikling panahon na pamamalagi ni Rener sa bansa, nakarating siya sa Palawan at Boracay habang ginagawa ang ‘Bourne’ movie.

Mukhang nabalitaan din ni Rener ang ginawang rehabilitasyon sa Boracay at hindi na nag-atubiling itanong ito kay Dasovich.

“Did they fix Boracay up?” sabi ni Rener.

“Yeah. They fixed it up. It’s good,” sagot naman ni Dasovich na dumayo pa sa South Korea upang makapanayam ang ilang cast members ng fourth installment ng napakasikat na pelikula.

Maliban kina Larson at Rener, nakapanayam din ni Dasovich ang direktor ng pelikula na sina Anthony at Joseph Russo o mas kilala bilang ‘Russo brothers.’

Screenshot mula sa YouTube video ni Wil Dasovich

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang taga-media at vloggers na makapanayam ang cast and crew sa South Korea kung saan ginanap ang movie launch sa Asia.

Panoorin ang buong interview ni Dasovich sa cast and crew ng Marvel movie:

Source :

YouTube, GMA News