Gretchen, hindi na kailangang magtrabaho dahil ‘great provider’ si Tonyboy Cojuangco

Screenshot mula sa Instagram ni Gretchen Barretto

Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, pinuri at pinasalamatan ni Gretchen Barretto ang kaniyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.

Sa kaniyang Instagram post, inamin ni Gretchen na kung hindi dahil sa suporta ng kanilang “Dada” ay hindi raw niya magagampanang mabuti ang kaniyang mga responsibilidad bilang nanay sa kanilang anak na si Dominique.

Dada ang term of endearment ni Gretchen kay Tonyboy na halos 25 years na niyang kasama sa buhay.

“I would not be this kind of mother if not for Tony who is hands on father and great provider,” ayon sa kaniyang Instagram post.

Screenshot mula sa Instagram ni Gretchen Barretto

Sa California ipinagdiwang ng pamilya ang special day para kay Gretchen. Gayunman, imbes na sarili ang bigyan ng pagkilala ay si Tonyboy ang naging sentro ng kaniyang social media post.

Lubos din ang pasasalamat ni Gretchen dahil hindi na niya kailangan pang magtrabaho kung kaya’t mas nagagawa niyang maging hands-on mother sa kanilang anak. Nasasabayan din niya ang kaniyang anak sa pag-aaral nang hindi pinoproblema ang mga gastusin.

“I didn’t have to work. I only had to be with you,” pahayag ni Gretchen sa isang video habang tumitingin sa anak.

Nararanasan umano ni Gretchen ang lubos na kaligayahan ng pagiging isang ina dahil kay Tonyboy. Pinasalamatan din niya ang kaniyang anak na nagparamdam sa kaniya ng pagiging ‘complete mom.’

“I was blessed to be able to retire from work and be a full time mom,” dagdag pa nito.

Screenshot mula sa Instagram ni Gretchen Barretto

Noong Pebrero 2017, ipinagdiwang nina Gretchen at Tonyboy ang kanilang 23rd anniversary. Inamin ng aktres na marami ang nanghusga sa kanilang relasyon noong nagsisimula pa lamang sila at sinabihan pa na hindi sila magtatagal ng dalawang buwan.

Ipinahayag noon ni Gretchen na bagama’t 19 taon ang tanda sa kaniya ni Tonyboy at nagmula sila sa magkaibang estado ng pamumuhay ay naging maligaya naman ang kanilang pagsasama. Naniniwala rin siya na true love conquers all.