Girl Power! Angel Locsin nagmistulang ‘Spiderwoman’ para sa “The General’s Daughter”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Minsan pang pinatunayan ng versatile actress at bida ng teleseryeng “The General’s Daughter” na si Angel Locsin na kayang–kaya niya ang anumang action scenes matapos niyang mag–ala “Spiderwoman” sa isa sa mga taping nila na kinakailangan sa isang eksena.

Kung noong mga naunang eksena ay kinailangan niyang sumabit sa isang umaandar na traktora, ngayon naman ay personal na nag–rappel si Angel pababa sa isang gusali, bilang “Rhian Bonifacio”. At ang nakabibilib pa rito, ayaw na ayaw ni Angel na may “stunt double” o ibang taong magpapanggap bilang siya upang gawin ang mga stunts.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Sa kabila nito, marami sa mga tagahanga at tagasubaybay ni Angel ang nag–alala at nangamba para sa kaligtasan at kalusugan ng kanilang idolo, dahil sa naging problema nito sa kanyang likod, na naging dahilan upang hindi maisakatuparan ang pelikulang “Darna” na naipasa naman kay Liza Soberano noon.

Nawala naman ang kanilang agam–agam nang masilayan nila ang mga larawan ng aktres na maayos na naisagawa ang stunts, batay sa ibinahaging behind-the-scenes photos ni Eric John Salut sa pamamagitan ng Twitter post.

Ayon kay Salut, si Angel ay tila “Spiderwoman”.

Larawan mula sa Twitter account ni Eric John Salut

Marami naman sa mga netizen ang lalong humanga sa dedikasyon ni Angel sa trabaho.

“She’s proving all the doubters wrong. The undisputed action-drama queen! Nag-iisa lang.”

“Kinakabahan kami para sa’yo Queen Angel, pero excited din kasi first time mo ngayon mag “Spiderwoman” sa TGD grabe ang galing mo talaga walang katakot–takot.”

“Ang daming nangyari sa ‘yo, Ms. Angel Locsin, pero still ginagawa mo ang best mo sa mga scenes. Iba ang puso mo sa character mo. Dahil diyan, mas lalo ka pa naming mamahalin. ANG HUSAY!”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Angel Locsinhe

Ang naturang episode ng  “The General’s Daughter” ay para sa kanyang plano na masukol ang kanyang ama–amahang si Tiago Guerrero na mahusay na ginagampanan ng aktor na si Tirso Cruz III, para sa pagkakamit ng hustisya.