Gerald Anderson, malaki ang pasasalamat sa naging tambalan nila ni Kim Chiu




Imahe mula sa Instagram nina Kim Chiu at Gerald Anderson

Hindi pa rin nalilimutan ni Gerald Anderson ang pinagsamahan nila ni Kim Chiu na unang nagkasama sa Teen Edition ng Pinoy Big Brother (PBB) noong 2006.

Sa press conference ng upcoming movie ni Gerald na Between Maybes kasama si Julia Barretto, ipinahayag ng aktor na hindi niya matatamo ang mga bagay na natatamasa niya sa kasalukuyan kung hindi nabuo ang kanilang love team ni Kim Chiu.

Ayon sa report ng PhilStar, ipinaliwanag ni Gerald na dahil sa love team nila ni Kim ay nagkaroon siya ng kumpiyansang mag-explore at ma-in love sa kung ano ang ginagawa niya bilang artista.

“I would say I’m very blessed and grateful. Siyempre it took a lot of hard work also para umabot din kung sa ano man ‘yung narating ko,” dagdag pa ni Gerald.

Imahe mula sa Wikimedia/Paul Chin

Matapos ang appearance ng KimErald sa PBB Teens, ang dalawa ay nagkaroon agad ng mga TV shows tulad ng Aalog-alogLove Spell, at Your Song Presents.

Pinagbidahan naman nila noong 2007 ang una nilang prime time teleserye kung saan ginampanan nila ang katauhan nina Poknat at Bokbok sa Sana Maulit Muli.

Nang mag-18th birthday si Kim noong 2008 ay niregaluhan siya ni Gerald ng pink na sasakyan. Isa ito sa mga nagpatunay na sila ay may mutual understanding.

Umamin naman ang dalawa noong 2009 na sila ay exclusively dating.

Nagkaroon pa ng mga teleserye ang tambalang KimErald bago napabalita ang kanilang break-up noong 2010.

Ilan pa sa mga pelikulang kanilang pinagtambalan ang Paano Na Kaya, Till My Hearthache Ends, at 24/7 In Love.

Sa kasalukuyan, si Kim ay masaya sa ka-love team at real life boyfriend na si Xian Lim. Ang tambalang KimXi ay magkakaroon ng teleserye sa taong ito na pinamagatang Love thy Woman.

Imahe mula sa Instagram ni Gerald Anderson

Si Gerald naman ay girlfriend pa rin ang aktres na si Bea Alonzo na napabalita na rin noon na naghiwalayan.

Samantala, ipalalabas na sa Mayo 15 ang pelikuang Between Maybes sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Source :

PhilStar, MYX, Pep.ph