Fashionistang Netizen: “How I look in Ukay VS How I wear my Ukay”

Mga larawan mula sa Facebook page na Skinniest Jeans

Kung nagtitipid ka subalit gusto mong sumunod sa fashion trend ngayon, iisa lamang ang puntahan ng mga katulad mo – ang Ukay Ukay!

Sa abot-kayang halaga, lahat ng mga branded items na gusto mong suutin ay makikita na sa mga ukayan o tinatawag ding “wagwagan”; maging matiyaga lamang sa paghalukay ng mga damit, pagsipat–sipat kung may butas, sira, o diperensya, at masinsing paglalaba nito bago suutin.

Kinaaliwan ngayon sa Facebook page na “Skinniest Jeans” nitong Mayo 12, 2019 ang post ng isang fashionistang netizen kung saan ipinakita niya ang praktikalidad ng pagbili ng damit sa mga ukay-ukay. Pinamagatan niya ang kanyang post na ” “How I look in Ukay VS. How I wear my Ukay”.

Ipinakita ng netizen ang mga larawan niya habang siya ay namimili sa loob ng ukay-ukay. Inilarawan niya ang kanyang sarili na walang make–up, nakapambahay lamang, nakatsinelas, may dalang eco–bag, at mukhang pagod sa buhay.

Mga larawan mula sa Facebook page na Skinniest Jeans

“Transformation to the next level” ang kanyang drama nang isuot na niya ang kanyang mga pinamiling “ukay items”.

Sinong mag-aakala na binili lamang niya ang mga ito sa ukay–ukay sa murang halaga? Make up on, styling point, confidence level 101, at aura level 100.

Mga larawan mula sa Facebook page na Skinniest Jeans

Ayon sa netizen, walang makapag-iisip na ang kanyang mga damit sa larawan ay nagkakahalaga ng P20 hanggang P120. Wala raw sa presyo o halaga ang pagsusuot ng damit; nasa nagdadala lamang ito!

“Who would have thought na you’re wearing 10 – 120 Php OOTD! No one, when you wear your ukay OOTD  confidently. Let me tell you this again: It’s not about the price tag but on how you wear and style your Ukay clothes!”

Dagdag pa niya: “Don’t make inarte with ukay (eg: yuck, eww, madumi) kuskos-laba-babad-bilad lang ang puhunan! Your 15- 150 Php budget in Ukay can go far! Woot woot!”

Mga larawan mula sa Facebook page na Skinniest Jeans

Humanga naman dito ang mga netizens.

“Ang galing mo, girl! Certified Ukay lover here. Nasa pagdadala lang naman talaga iyan. Aanhin mo ang pricey na damit na hindi mo naman masuot, o hindi naman bagay sa ‘yo haha.”

“Kung walang tiyaga, walang nilaga. Sa mahirap na bansa gaya ng Pilipinas, maging praktikal tayo sa mga binibili natin.”

Mga larawan mula sa Facebook page na Skinniest Jeans

Ang salitang ukay–ukay ay nagmula sa salitang “halukay”. Kilala ang Divisioria, Tutuban, Baguio City at Tagaytay City sa napakaraming mga ukay–ukay na talaga namang dinarayo ng mga turistang lokal at dayuhan.