Erwin Tulfo, itinuturing na ‘pers0na n0n grata’ sa Dapitan City




Imahe mula sa Erwin Tulfo Facebook page/Wikipedia

Idineklara ng Sangguniang Panlungsod ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte na pers0na non grata sa kanilang siyudad ang mamamahayag na si Erwin Tulfo.

Ayon sa report ng Rappler, nagsagawa ng botohan ang mga city councilors ng siyudad noong Mayo 7, 2019 at pumabor ang lahat upang ituring na “persona non grata” o “undesirable person” si Tulfo. Dahil ito sa harap-harapang pang-iinsult0 ni Tulfo sa mga Dapitanons at sa kanilang siyudad.

Noong Abril 28 ay bumisita si Tulfo, kasama ang dating Dipolog City mayor Evelyn Uy na tumatakbo bilang mayor ng Dapitan, upang ikampanya ang sinusuportahang party-list group, ang ACT-CIS. Gayunman, imbes na magsalita nang magaganda o makabuluhang pahayag, mas nabigyang-diin kung paano maliitin ni Tulfo ang lugar.

Imahe mula sa Wikipedia/The City of Dapitan, Zamboanga del Norte

Ayon sa isang open letter ng isang Dapitanon na si Gualberto Laput, nasaktan, nainsulto, nasuklam, at nagalit ang mga mamamayan ng Dipolog City sa mga hindi kaaya-ayang pahayag ni Tulfo.

Kabilang sa mga sinabi ni Tulfo ay ang retorikal na tanong nito na: “Saan ka ba nakakita ng city na you only have one bank?”

Gayunman, nilinaw ni Laput na may apat na bangko sa kanilang siyudad.

“Pumunta ka ng Dipolog, maraming fastfood. Bakit ba ang taga-Dapitan hindi marunong kumain ng Jollibee?” sabi pa umano ni Tulfo.

Imahe mula sa Wikipedia / Mike Gonzalez

Sinabi rin umano ni Tulfo na hindi raw dapat ikonsidera ang Dapitan bilang siyudad dahil wala itong Jollibee.

Tinugon naman ito sa liham na kaya naging siyudad ang Dapitan ay dahil sa kahalagahang kultural nito, at hindi dahil sa mga malalaking commercial at industrial establishments.

Source :

Rappler, Twitter