Doble Hataw: Daniel Padilla, James Reid magsasanib–puwersa sa isang proyekto

Mga larawan mula sa Twitter account ni James Reid/official Instagram account ng Viva Artist Agency

Sa kauna–unahang pagkatataon, magsasama sa iisang proyekto ang dalawa sa pinakasikat na mga aktor ng kanilang henerasyon: sina Daniel Padilla at James Reid.

Nitong Linggo, Mayo 19, 2019, umingay ang online world lalo na ang Twitter at Instagram dahil sa anunsyong magkasama sa iisang proyekto ang dalawang Kapamilya actors, na may hashtag na “Doble Hataw”.

In the very short clip, Padilla and Reid are seen candidly on the set as they discuss their experience working with each other for “Doble Hataw.” Makikita ito sa official Instagram account ng “Viva Artist Agency”.

“James is so thrilled to finally be able to work with Daniel Padilla on a project this big and action-packed! Excited na rin ba kayo para sa #Doble Hataw?”

Mga larawan mula sa official Instagram account ng Viva Artist Agency

Excited si James sa una nilang proyekto ni DJ na ibinulalas niya sa pamamagitan ng kanyang Twitter post.

Mga larawan mula sa Twitter account ni James Reid

Masaya rin si DJ sa proyektong ito. Aniya, masaya, cool, at sobrang chill lang katrabaho si James. Masaya rin ang buong production, super chill, at mabilis magtrabaho; bagay na sinang–ayunan naman ni James.

Aniya, ang proyektong ito ay “action-packed.”

“We had a good time. Siguro ‘yung action, the drifting, driving the cars, that’s definitely the coolest part of the shoot.”

Dagdag naman ni DJ: “Maganda ‘yung project na to. Bagay na bagay sa amin ni James. Maraming matutuwa dito. Abangan ninyo.”

Si Daniel Padilla ay kapares ni Kathryn Bernardo sa tambalang “KathNiel” at si James naman ay kapareha ni Nadine Lustre sa tambalang “JaDine” na parehong may malalaking fan base sa bansa.