Bukas na! Pinakamalaking water park sa Mindoro, dinarayo




Mga larawan mula sa Facebook page ng Jolly Waves

Kung naghahabol ka ng “summer getaway”, bakit hindi mo dayuhin ang bagong bukas na  “Jolly Waves Waterpark and Resort” sa Calapan City, Oriental Mindoro?

Sa lawak na apat na ektarya, itinuturing na itong pinakamalaking waterpark hindi lamang sa Mindoro, kundi maging sa rehiyon ng Mimaropa.

Makikita rito ang iba’t ibang swimming pools, at ring giant slide na kasintaas ng pitong palapag na gusali. Maaaring mag-enjoy kasama ang buong pamilya at tropa sa buong  resort sa halagang P399 buong araw.

Mga larawan mula sa Facebook page ng Jolly Waves

Ang naturang waterpark ay ideya ng Jolliville Holdings Corporation, na subsidiary ng Jolliville Leisure and Resort Corp., na sinimulang gawin noong 2018.

Tinatayang umabot sa 350 milyong piso ang ginastos upang maitayo ang naturang themed water park sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Bukod sa mga swimming pools, tampok din dito ang iba’t ibang premium facilities kasama ang day-time accommodations, unique water amenities, function rooms at iba’t ibang diving options.

“It is the first of its kind in the Mimaropa region,” pahayag ng pamunuan ng JLRC.

Ang  Mimaropa, na nasa Timog– Kanluran ng Rehiyong Tagalog, ay kinabibilangan ng mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Bago pa man maitayo ang naturang waterpark, nauna nang binuksan ng Jolliville ang isang  25-room business hotel sa Calapan City na nagbigay ng de-kalidad na akomodasyon sa mga turista at manlalakbay sa kabisera ng Oriental Mindoro. Sa hotel na ito isinagawa ang training para sa mga empleyado na mamamahala sa water park.
Mga larawan mula sa Facebook page ng Jolly Waves
Marami naman sa mga netizen ang nagpatunay na sulit ang biyahe patungong Mindoro kung magagawi sa water park na ito, batay sa magagandang reviews dito.
“The place itself was great. The staff are always smiling. But I think there should be more C.R.”
“The kids really enjoyed swimming, it’s nice that they provided life jacket and there are life guards in every pool. The staff are all accommodating and CCTV are everywhere.. love the giant slides…”
“Super ganda! One of a kind facilities with friendly and helpful people.”
Mga larawan mula sa Facebook page ng Jolly Waves
Mukhang kaasam-asam nga ang ganda ng Jolly Waves Waterpark and Resort sa Calapan City, Oriental Mindoro.