Bikolanong Spiderman nilinaw na wala siyang kinalaman sa naging gulo sa PBA

Imahe mula sa Bikolanong Superman Facebook account

Nilinaw ni Bikolanong Spiderman  na hindi siya ang kasangkot sa naganap na insidente sa Game Five ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa pagitan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hot Shots kung saan pumasok ang isang ‘Spiderman’ sa gitna ng laro at hindi sinasadyang nabangga nabangga si  June Mar Fajardo.

Imahe mula sa Bikolanong Spiderman Facebook account

“Gusto ko lang linawin na kung ano man ang nangyari sa PBA kagabi, walang-wala po akong kinalaman doon. Hindi po ako iyon,” anang kilalang good samaritan sa kanyang Facebook post.

“Hindi ako sya, hindi sya ako. Hindi ako yung Spiderman na nasa PBA, unang una…hindi ako fan ng basketball. Hindi sya ako, dahil yung aking mga larawan na naggigift giving ay napapagkamalan na sya (na hindi naman dapat). Magka-iba kami,” saad pa ng Bikolanong Superman.

Inakusahan kasi ang Bikolanong Spiderman na siya ang pumasok sa court na may placard na “Vote! Love!” kung saan  3:08 (minuto) na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Saad pa nito, na siya’y nasa Naga at nanonood ng concert kasama ang kanyang mga kaibigan nang maganap ang insidente.

“Nakakahiya sa mga bata na nasa larawan na kumakalat. Nakakahiya kasi hindi totoo. Hinding hindi sya magiging ako sapagkat magka iba ang aming adbokasiya. Naiintindihan ko sya at nirerespeto,” ayon pa sa Bikolanong Spiderman.

Walang karapatang magsalita ang walang pagsusuri, aniya.

“Sa mundong ito, kailangan nating gamitin ang ating isip ng libre na hindi lang isang Spiderman suit ang tinahi bago kumilos, gets?” wika pa nito.

Si Bikolanong Spiderman ay kilala sa kanyang mabubuting gawa tulad ng pagtulong sa mga kabataan.

Imahe mula sa Bikolanong Spiderman Facebook account

Nakatakda nang sampahan ng PBA ng mga kas0 si Paolo Felizarta na siyang ‘Spiderman’ na pumasok sa kasagsagan ng laro.

Basahin ang buong post na ito sa Bikolanong Spiderman Facebook page.

Source :

Facebook, Spin, Spin