Australian na nagsabing “worst” at “too bland” ang Filipino food, humingi ng dispensa sa mga Pinoy




Imahe mula sa Wikipedia/Twitter

Dahil sa komento sa Twitter na “worst” at “too bland” ang Filipino food sa buong Southeast Asia, binatikos ng ilang Filipino netizens ang isang Australian writer.

Ang Australian na si Kate Walton na naka-base sa Indonesia ay nagkomento sa tweet ng Cornell University professor Tom Pepinsky. Ang post ni Pepinsky ay ayon sa kaniyang personal ranking ng Southeast Asian Food.

Una sa listahan ni Pepinsky ang Vietnamese food. Sinundan ito ng Lao, Singaporean/Malay, Thai, Burmese, Indonesian, Cambodian, Timorese, at Philippines.

Screenshot mula sa Twitter

Bagama’t nasa hulihan ang Pilipinas sa ranking ni Pepinsky, mas nakatawag ng pansin sa mga Filipino Twitter users ang komento rito ni Walton. Aniya, “Filipino food is definitely worst in the region.”

Ang komentong ito ni Walton ang may pinakamaraming reply sa thread ng original tweet ni Pepinsky.

Isa pa sa mga tweet ni Walton ang “I’m not really interested in ranking top to bottom, but like I said, sadly I don’t think Filipino food can compete with other Southeast Asia food. For me it’s too bland.”

Isa naman sa mga tumugon sa tweet na ito ay si @daifukumochi na sinabing “Cool, so then you must’ve tried all of the Filipino food from each region in the 7,000+ island strong archipelago to be so confident in your blanket rating of ‘bland.’”

Gayunman, nilinaw ni Walton na mas preferred kasi niya ang spicy food.

“Lol Filipino Twitter saw my reply to @TomPepinsky about Filipino food and now they’re mad. Sorry, Filipino food is bland. I’ll choose spicy food over it any day,” dagdag na tweet ni Walton nang makatanggap ng mga negatibong reaksiyon sa mga Pilipino.

Screenshot mula sa Twitter

Sa kabila nito, humingi pa rin ng dispensa si Walton sa mga Pilipino, ngunit hindi rin daw niya buburahin ang kaniyang mga naunang tweet upang hindi maakusahang nagtatago. Hindi na rin daw siya sasagot sa topic na iyon.