Anton Diva magdaraos ng concert; Vice at Regine tumangging magpabayad

Imahe mula sa Anton Diva/Vice Ganda Instagram account

Magdaraos ng concert si Anton Diva sa Cuneta Astrodome sa Pasay City  June 15.

Ayon sa ulat ng PEP, ang concert ay may pamagat na SHINE XXII AD: Anton Diva.

Si stand-up comedian-turned-politician na si Teri Onor ang producer ng naturang concert. Dahil ito ang unang event production ni Teri tinawag niya itong TOES (Teri Onor Entertainment Services).

Imahe mula sa Anton Diva Instagram account

Kaabang-abang ang naturang concert dahil special guests ni Anton sina Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang Phenomenal Star na si Vice Ganda.

Maliban sa dalawang Kapamilya host magiging bahagi rin ng concert sina Michael Pangilinan, Raging Divas, 2019 Miss Q&A Mitch Montecarlo Suansane at Jewel Johnson. Ang Pepper Divas at Rapture Girls naman ang magsislbing front act sa concert.

Hindi tataanggap ng kani-kanilang talent fee sina Regine at Vice Ganda sa pag-guest sa concert ni Anton, ayon kay Teri.

“It’s their turn to give back. Hahaha! “Sobrang flattering syempre, saka sobrang, you feel the love, di po ba?

Ayon kay Anton, batid ng mga kilalang personalidad na ito ang unang pagkakataon na magpo-produce ni Teri kaya naman tulong ito umano sa mga tulad nila.

“Big artists are willing to support new performers, new producers.

“Saka if they believe in the artist na susuportahan nila, hindi na sila magdalawang-isip na tumulong at sumuporta.”

Imahe mula sa Anton Diva Instagram account

Dahil kilalang malapit si Anton kay Vice hindi naiwasang matanong si Anton sa kung ano ang namamagitan kina Vice at Ion Perez.

Ayon kay Anton, naipakilala na sa kanya ni Vice si Ion pero walang label kung ano sila. Tikom din si Anton sa estado nina Vice at Ion.

“Hindi pa kasi sinabi na ano… hindi ko talaga alam kung there’s something special. Hindi ko rin alam talaga kung sila na rin that time. Hindi pa, e.”

Source :

Instagram, PEP